Chapter 10

23.1K 917 102
                                    

Napakaraming tanong sa mundo ang mahirap sagutin, yung iba kinakailangan pa ng quantum science or Math 55a. Pero may mga bagay na kahit anong formula pa ang gamitin mo, kahit paikot ikutin mo pa ang solution ay wala kang makukuhang paliwanag. 

Ganyan ang nararamdaman ko ngayon regarding Cassandra and Victoria. Pilit ko paring pinagkakabit kabit yung mga nadiskobre kung impormasyon. Let's break this down, i saw Cassandra paid a visit sa sementery at ang pangalan ng pinuntahan nya ay Victoria. Then now she was calling me Victoria at sinabi nya na mahal na mahal nya ito? So.. it's means Cassandra is a lesbian? Wow. That's a big words.

Tumayo ako at kinuha ang aking gamit. Tutal maayos na ang lagay ni Cassandra at wala ng lagnat siguro pwede na akong umuwi. Late narin kasi, sigurado akong katakot takot na sermon ang aabutin ko nito hindi sa parents ko kundi kay Ate Averi. Isang sulyap pa sa tulog na tulog na si Cassandra bago ko tuluyang lisanin ang kwarto.

"Hey.." Bati sakin ni Ate Alex na mukhang kagagaling lang sa trabaho dahil nakasuot pa sya ng office attire. I still couldn't help by feel awe kapag nakakaharap ko sya dahil super lakas ng dating ni Ate Alex. Yung isang ngiti nya lang sayo para kinikiliti narin ang puso mo and despite her status ay very down to earth parin sya walang kayabang yabang. "Please sit with me."

Sumunod ako kay Ate Alex at naupo sa tabi nya dito sa living room. Masyadong tahimik. Nakakabingi.

"How is Cassy?" Tanong nya after ng ilang minuto.

Sumulyap ako kay Ate Alex. "Okay na po. Wala na syang lagnat."

Tumango tango ito na may ngiti sa labi. "My wife told me what you did. I know thank you isn't enough to show you our gratitude. Aubree if you need-"

"No Ate Alex." Agad ko na putol sa pagsasalita nya. "I didn't ask for anything, ginawa ko po yun na maluwag at magaang sa loob ko."

"But still Aubree." Ate Alex held my hand and squeezed it. "Thank you."

"Welcome po." I said with a smile. Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina. I don't know if dapat ko ba itong itanong or hindi. Baka masyadong personal at makagulo pa ako sa kanila.

"I'm happy that she made friends despite of her attitude and after losing Victoria." Bulong ni Ate Alex na nakatingin sa kawalan. Kahit pala hindi na ako magtanong ay mukhang sya na mismo ang magkukwento. "High school ng makilala ni Cassy si Victoria, they become friends, best of friends and later on, a lovers." Hindi ako magsasalita, nakikinig lang ako sa bawat sinasabi ni Ate Alex. I don't want to miss any details. "Cassy was so alive, happy and very adventurous during that time." A sad smile drew her lips as she turned to me. "But you know life is cruel. Cassy and Victoria were both invited to a party. 
Alam mo na mga kabataan ngayon, mga katulad nyong mga experimental, ittry lahat bagay ng bagay. Nagdrive pauwi si Cassy kahit nakainom silang pareho until..."

I already know what happened next. "They got into accident?"

Tumango si Ate Alex. "Sumalpok sila sa isang truck. Though Cassy was the driver pero wala sya masyadong naging pinsala aside sa mga bruises."

"What happened po?"

"Victoria.. hugged my sister sa huling sandali bago sila bumangga to protect Cassy." Malungkot na sagot ni Ate Alex.

I honestly thought na sa mga libro at movies lang nangyayari yang mga tragic love story meron din pala sa totoong buhay. It makes me sad though because i could feel her pain and loneliness noong niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"At sinisisi ni Cassy ang sarili nya sa pagkamatay ni Victoria until now."

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagpumilit si Cassy na ipagdrive ako pauwi sa bahay noong nalasing ako. So ibig sabihin ba nun ay concern sya sakin? Ewan ko. Hindi ko alam. But atleast now i know the real reason behind her stoic face and cold heart.

My Ex and Whys (Lesbian) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon