Chapter 31- His Identity

Start from the beginning
                                    

Hindi nalang ako sumagot. Baka sabihin pa niya ay napakadaldal ko para magtanong ng magtanong. After a couple of minutes, he demanded me to keep a distance from him so I did.

"We will test your ability." He said. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nakaramdam na ako ng paggalaw ng lupa. I stayed still and compose my balance para hindi matumba. Nanlaki ang mata ko ng may makitang malaking bato na mabilis na gumugulong papunta sa direksyon ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat at ng handa na akong tumakbo ay tumigil ito sa pag-galaw. Habol hiningang tiningnan ko si Dawson. He's staring at me with his deep eyes, his arms were in crossed at kalmado lang.

"What?" Naguguluhan na tanong ko.

"Control it." He said.

"What?!"

"Control it. Palutangin mo." Sabi niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang malaking bato. No- malaking bato is not a term, napakalaking bato nito at halos mas matangkad at mas malaki pa saakin! Where did he even get this?

"I can't." Sabi ko at lumingon sakaniya. "My ability is not yet that strong. What do you expect?! I am not an expert! Hindi ko kakayanin ang ganitong kalaking bagay para pagalawin!"

"Then maybe you don't deserve your ability." Nang-iinsultong sabi niya. Kunot-noo ko lang siyang tiningnan habang seryoso ang tingin saakin.

Napapikit ako ng mariin at tiningnan ang napakalaking bato sa harap ko. I groaned as I focus my eyes to the stone. Naramdaman ko ang unti-unting paglabas ng enerhiya mula sa katawan ko. I focused the pressure to the stone but after some minutes, hindi pa rin ito lumutang o kahit gumalaw man lang.

"I can't do this. Not now." Iiling-iling na pagbaling ko kay Dawson. Pero tiningnan lang ako nito na para bang hindi narinig ang sinabi ko. Napabuga ako ng malalim na hininga, looks like I have to do this. Kung hindi ay mamaliitin niya ako.

Nag focus akong muli sa bato at pinalabas muli ang enerhiya mula sa katawan ko patungo sa bato. I focused my sight. Hanggang sa unti-unti ay naramdaman ko na muling gumalaw ang lupa at gumagalaw na rin ang bato pero hindi pa rin umaangat mula sa lupa. Pinilit kong palutangin ito hanggang sa naramdaman kong hindi ko kaya. Tumigil sa paggalaw ang bato at naramdaman kong bumalik ang enerhiyang pinakawalan ko.

Habol hininga akong lumingon kay Dawson. Both of his hand are now inside of his pocket. Umiling ako sakaniya.  "I can't do it " I said, hopeless.

"I won't buy that."

"What would you buy?" Inis na tanong ko. Ramdam ko pa rin ang medyo panghihina dahil sa sapilitang paglabas ko ng ability ko.

"Look,.." Sabi niya. Pinagmasdan niya ako. "It's better to start your ability with pressure. Don't treat yourself like other normal holder of abilities. Because you're far away from them. You're a holder of a Legendary Ability. Make a justice and don't act like it's nothing important." Mahaba niyang sabi. "If I am the last holder of a Legendary ability, I would definitely be disappointed  at someone like you."

Kumunot ang noo ko. "Sinasabi mo bang walang kwenta ang isang holder na katulad ko?"

"I'm saying that you can do it." Sabi niya.

"You won't have that if you can't."

Natahimik naman ako habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ni Dawson. Oh, damn it. Bakit kelangan niyang sabihin ang mga 'yon? He's pushing the button, lumalakas ulit ang tibok ng puso ko!

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now