Paglabas ng matrona, saka naman ang pagdating nina Lianne at Paulo. Akala ko ay bumalik ang customer ko, na hindi nagpakilala. Nagulat ako sa pagdating nila. Ni hindi ako nagpapagbihis. Nakatapis lang ako ng tuwalya.
"O, napadalaw kayo? Kumusta?" bati ko sa kanila, habang pinagbubuksan ng pinto.
"Ah, oo, may sadya kami sa 'yo." Si Paulo ang sumagot.
Pinaupo ko muna sila. Tinangnan ko pa ang orasan. Alas-siyete pa lang.
"Sandali lang magbibihis ako."
"Huwag na. Mabilis lang kami... 'Di ba, sabi mo... puwedeng tumira rito si Lianne nang libre?"
Nakatayo pa rin ako sa harap nila. Hindi na ako nahiya sa kahubdan ko. "Oo!" mabilis kong sagot. "Puwedeng-puwede ka rito, Lianne." Tiningnan ko sa mata si Lianne. Malungkot siya.
"Salamat! Naubusan kasi ako ng budget. Hindi ko na kaya ang trabaho. Maghahanap ako ng bago. Hindi ko kaya ang graveyard shift."
"Walang problema. Basta ikaw, open ka rito. Sana dinala mo na ang mga gamit mo."
"Babalik na lang kami. Two days pa naman ako sa space ko. Hindi na ako makakabayad, kaya heto... Salamat talaga, Hector!"
"Wala 'yon. Masaya nga ako't magkakasama na tayo." Tiningnan ko si Paulo. Parang ngumiti ang mga mata niya sa kilig.
Hindi ko akalaing mangyayari ito. Ang babaeng minamahal ko, makakasama ko na sa bahay. Masaya ako, pero malungkot dahil sa katotohanang isa siyang puta, na gaya ko.
JE LEEST
Hijo De Puta
Algemene fictieMay mga bagay na hindi natin pwedeng itago habambuhay. Paano mamumuhay sina Hector at Lianne sa kasinungalingan? Paano sila sasayaw sa agos ng buhay at pag-ibig?
