Akala ko nga mahihirapan ako dahil nagtratrabaho ako sa Viva Records habang nag-aaral siya. Akala ko lang naman. Alam niyo na, hectic siya sa schedule, at ako hindi regular ang oras ng trabaho. 

Last month, we celebrated our second anniversary. Dahil nga busy na siya sa school dahil graduating na siya, at hindi sya available na pumunta sa ibang lugar, sinurprise ko na lang siya sa school. Hindi yung tipo ng surprise na pinagplanuhan—mahina ako sa gano’n—pero at least, sinubukan ko.

Korni ba kung sasabihin kong kinantahan ko siya ng self-composed song ko na ‘You’re My Sweetest Drug,’ sa intercom ng school nila?

Noong una, naisip kong baka magmukha akong tanga dahil maririnig ang boses ko sa lahat ng speakers na nakakalat sa buong school nila kahit nasa loob lang ako ng booth at walang makakakita. Pero inisip kong para sa girlfriend ko naman ‘yon. Walang masama. Maliit na bagay lang naman ‘yon.

Nakiusap pa ako sa facilitator, at three days ko siyang kinulit. Buti na lang nadaan sa santong dasalan.

Pagkatapos kong kantahin ‘yon sa loob ng booth gamit ang gitara, nabasa ko ang text message niya sakin: ‘I love you sooo much.’ At paglabas kong pinto, ang daming tao sa labas ng booth, at nagtinginan silang lahat sakin.

“Kuya, ikaw po ba ‘yong kumanta?” tanong ng isang babae na may ID lace ng Psychology. Tumango ako at naglakad papunta sa classroom ni Darla.

Hindi ko naman ginulo ang class niya no’ng oras na ‘yon. Naghintay ako ng one-and-a-half  hour bago kami kumain ng simpleng lunch sa canteen nila. Medyo nakakailang lang dahil ako lang ang bukod tanging nakasuot ng hindi uniform at may bitbit pang gitara. Plus, a bouquet of roses. Sa'n ka pa?

"Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko dahil may kasama akong lalake na naka-pang-Mr. Pogi, tapos may dala pang bulaklak." Tumawa sya. "Nakaka-intimidate!" 

"Feeling ko nga ang swerte-swerte ko, e," gatong ko. 

"At bakit?" tinaasan niya pa ako ng kilay. 

"Dahil ikaw ang girlfriend ko." 

Habang nakatingin ako sa stage ng graduation ceremony nila Darla, napangiti ako dahil naalala ko na no'ng sinabi ko 'yon, binato niya ko ng hawak niyang plastic spoon sa mukha. Everytime na kinikilig siya, palagi niyang binabato ang unang bagay na makita niya. Ha, I knew it. 

***

Pagkatapos ng ceremony, nag-march sila palabas, at lumabas din ako. Busy si Darla sa pagpapapicture sa group of friends niya at ako naman, kausap ko ang parents ni Darla. Twice ko nang na-meet ang papa niya, at nagkasundo rin naman kami sa maraming bagay—he’s a musician way back in his highschool life.

“Congratulations!” lumapit ako kay Darla pagkatapos makipag-picture sa ibang classmates niya.

Napatingin siya sa bouquet na inabot ko sabay ngiti. Nakasuot siya ng make-up pero hindi masyadong makapal. I like it. Pagkakuha niya ng bouquet, inabot niya ang leeg ko at yumakap.

“Thank you.”

Hinarap niya ang mukha niya sakin habang nakasabit parin ang dalawang kamay niya sa balikat ko at hawak niya ang flowers sa likuran ko. “I have good news, Lawrence.”

“Don’t tell me you’re pregnant, and we failed the calendar method,” nakangising sabi ko at ki-niss siya saglit sa noo. Syempre, tyinempuhan kong hindi nakatingin ang parents at kuya niya.

“Adik!” Hinampas niya ako sa balikat. “Yung advertising company na pinapasukan ng kuya ko, nirerecruit ako na magtrabaho sa kanila. Next week ang interview ko!”

Napatalon-talon pa siya sa tuwa. “Well, congratulations,” I said, smiling.

Natahimik kaming pareho no’n at busy kami sa pagtingin sa mga college graduates na nagkanya-kanya sa picture taking. May groupie, may selfie, may iyakan, pero karamihan sa kanila, nakangiti. Gaya ng na-experience ko no’ng grumaduate ako.

“Kantahin mo nga ulit ‘yon.” Napatingin ako kay Darla.

“Ha?”

“Kantahin mo ulit,” she pled. “Yung sa intercom na self-composed mo kamo.”

“Buo?” Napataas ang kilay ko habang nakangiti. “Bakit naman?”

“Kahit chorus lang.” Her eyes ran down to my lips, and I gasped a bit. “Gusto ko lang marinig.”

Nakita kong nag-sign ang Mama ni Darla na pumunta kami sa kanila kaya hinila ko ang kamay niya at naglakad palabas sa crowd ng mga graduates. Habang ginagawa ko ‘yon, kinanta ko ang lyrics ng chorus na siya lang ang makakarinig.

'Cause I can’t pass a day without that smile

And with you, I could run a thousand miles

Give me your heart and I’ll surrender my life

Give me an hour, I’ll spend my entire time

You are and always will be,

You are the sweetest drug for me

You are and always will be

And I just can't stop loving you, baby

 

Paglingon ko sakanya, nakatingin siya sa sapatos niya habang naglalakad at ngumiti sakin. Tears pooled in her eyes and I stopped walking.

“Grabe,” she blinked to prevent it from falling. “Hindi pala ako nananaginip. Boyfriend pala talaga kita.”

My lips curved upward to one side. “As always.”

 

WAKAS

READ THE SEQUEL: HE'S MY SWEETEST DRUG (view my profile)

OTHER STORIES by Shupershimmer:

Kiss and Kill
His Best Damn Thing
Nate is About to Die
Are We Getting There
Tres Miserables
Whatever It Takes

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now