Chapter 15

9.4K 147 11
                                    

Chapter 15

Nasa pasilyo ako ng canteen at mag-isang naghahanap ng kakainin ko para sa lunch. Mukhang mas magandang sanayin kong maging mag-isa dahil pag ganitong oras, si Denise ang lagi kong kasama.

Sa tuwing naiisip kong tinawag niyang ‘babe’ si Brent, nangingilabot talaga ako at nanlalambot ang mga laman ko. How dare she?

Huminto ako sa tapat ng nagtititnda ng Shawarma rice tapos umorder ako ng take-out.

“Ano’ng gusto mo? Shawarma na lang tayo?”

Ayoko sanang lumingon sa katabi ko pero nang maulinigan ko kung sino ang may-ari ng boses, reflex na napatingin ako sa kanya. Hindi ako nakita ni Brent—na siyang nagsalita—pero yung kausap niya, nakita ako. My eyes automatically ran down and looked at their intertwined hands.

Parang dati lang, ako ang ka-holding hands ni Brent tapos ngayon makikita ko na ‘yung babaeng kasama namin lagi sa hang-out, e, ka-switch ko na ng posisyon. Nakakaloka lang.

“D-Darla…” Denise muttered my dearest name. Napalingon agad si Brent at saktong umiwas ako ng tingin.

“Oh,” I weakly smiled, “H-Hi,” bati ko sa kanila kahit ayoko silang makita.

Gusto ko sanang umalis sa pwesto ko kaya lang ang tagal-tagal ng order ko. Pisti, dapat pala di muna ako nagbayad para nakatakas ako. Imbes na yumuko ako, ginising ko ang kamalditahan at inner wickedness ng katawan ko para naman may mukha parin akong ihaharap sa ex ko at sulotera kong kaibigan.

“Baby, ano’ng order? Gusto mo sa kabila na lang tayo bumili ng Shawarma?”

I heard Brent’s voice and I am surely sure na pinaparinig niya talaga sakin ang endearment nila na never niyang tinawag o ginawa sakin. Akala ko ba nandidiri siya sa endearment na ganyan? Tangina pala nito, e.

I faced them, trying to be as blooming as I can, “No, favorite ni Denise ang Shawarma sa store na ‘to. Di niya kasi gusto ang lasa ng pagkain doon sa kabila, diba Denise?”

“Y-yeah, dito na lang tayo bumili.”

I raised my brow when I saw them clinging their hands with each other. Okay, bitter na kung bitter pero puta, lahat naman ng galing sa break-up naiinsecure sa taong pinagpalit sayo, diba? Magpakatotoo tayo!

“Okay, I’ll buy our drinks, hintayin mo na lang ang order.”

Binitawan ni Brent si Denise tapos nilubayan kami. Si Denise naman, nag-order na sa tindera tapos napaka-awkward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa dahil hindi kami nag-uusap, to think na mag-bestfriend kami. I get goosebumps whenever I think na kaibigan ko siya.

“I never really thought na magiging compatible pala kayo ng ex ko.” I mumbled to Denise at kita kong namutla siya, “Bakit di mo man lang pinaalam sakin na naaakit ka na pala kay Brent. Edi sana nakipag-break ako agad, para happy.”

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now