Chapter 5

12.7K 172 15
                                    

Add Keith Lawrence Legazpi and Darla Catacutan on Facebook!

(c) Shupershimmer


Gaya nga ng napag-usapan namin ni Peter, siya na ang bahalang mag-check ng schedule ni Catacuts nung Wednesday, ako na bahala sa pera. Unfortunately, off niya ang araw na 'yon at nung Thursday, di ko siya nakita. Siguro, maagang lumabas ng school or what. I didn't care.

Baka naman nag-drop na? Joke.

During the weekend, bukod sa pagco-compose ng music as our midterm project - actually, di ko nga natapos ang first verse eh - nagtry din akong i-browse ang 'Darla Catacutan' sa internet. Malay mo, may facebook or twitter na pala sa bundok na pinagmulan niya?

Maraming lumabas sa result - mostly, mga mukhang taga-planet Pluto, pero nakita ko rin naman siya later on. Hey, not that I was being a stalker. Naisip ko na baka lang naman may contact given siya sa 'info' niya sa social network. Psh.

Masyadong ginto ang oras ko para maging stalker.

Nung makita ko 'yong mukha niya sa results, napapalakpak ako nang isang beses. "Yeah!" Para bang nanalo ako sa Minesweeper sa computer.

Nung makita ko ang wall niya, wala namang interesting, bukod sa display photo niya na half-body at dagat ang likod. Sana dagat na lang ang pinicturan. Di, joke. Akala ko nga, mababasa ko ang 'in a relationship with *insert her boyfriend's name* pero nagtaka ako kasi wala.

At wala akong pake.

Ang nakakatawa pa, ilang linggo niya nang hindi na-a-update ang account niya. 'yong totoo? Di ba uso ang fb sa lugar niya? Kahit sa school? Tch.

Dahil wala namang interesting at wala ang hinahanap kong contact, I chose to shut it down. Sayang lang battery ng laptop ko at gaya ng nasabi ko, ginto ang oras ko.

Monday, after ng class namin eh hindi na ako sumama kina Ully para maglaro. Alam naman ni Peter na may pupuntahan ako at kahit ayokong makita 'yong babaeng 'yon... kailangan ko nang ibalik 'yong pera. Nakaka-tempt kasing gastusin. Ewan, basta.

Nakaupo lang ako sa loob ng backseat ng isang taxi at nakaparada lang kami sa tapat ng school nina Catacuts. Ayoko ngang maghintay sa ilalim ng sikat ng araw. Sayang kagwapuhan ko kung mangangamoy construction worker ako. Sinabihan ko naman ang driver na wag siyang mag-alala sa metro niya. Sus, ako pa.

Ilang beses na akong tumingin sa wristwatch pero ni anino ng buhok ni Catacuts, di ko makita. Utang na loob. Kalahating oras nang nakaparada 'tong taxi.

Habang nakababa ang salamin ng bintana, agad-agad kong nilabas 'yong ulo ko nung makita 'yong boyfriend niya. I assumed, he's with Darla.

"Aray," I hissed. Tanga kasi, di nagkasya ang ulo ko sa bintanang nakabukas.

Umupo ulit ako tapos sinubukang ibaba lalo 'yong salamin ng bintana. Pagtingin ko sa pwesto nung lalakeng 'yon, kasama na niya 'yong kaibigan ni Catacuts. 'yong kasama niya sa fast food chain last day.

"Nasa'n na 'yon?" di ko alam kung sinong tinanong ko. Wala eh, di ko siya makita.

Bubuksan ko na sana 'yong pinto nang lumakad paalis 'yong dalawa tapos kasunod lang din si Catacuts. Bigla naman akong kinabahan kaya bumalik ulit ako sa loob. Pakiramdam ko, bata ako na nagtatago sa nanay na may hawak na hunger. Tch.

"O, ano sir? May balak na ba kayong magbayad?" Di ko pinansin masyado 'yong driver dahil nakatingin ako kay Catacuts na busy sa pagtago ng libro niya sa bag. Ha! Huli ka balbon!

"Later," nagkabit ulit ako ng seatbelt. "Pakisundan na lang 'yong babae na 'yon... 'yong nakaponytail... na may nunal sa ilong. Bilis."

Tinignan ako ng driver sa rear view. "Mang-i-stalk na lang sir, nakataxi pa."

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now