Chapter 46

5.5K 138 19
                                    

© Shupershimmer

Darla woke up the second day after I visited her—the day I am supposed to go through MRI scan. 

Pagkabalik ko sa kwarto ko no’n sakay ng wheel chair—wala akong choice dahil in-insist ng doctor na mag-wheel chair ako dahil nakakabagal daw sa recovery ang paglalakad ko—binalita sakin nina Peter na gising na nga si Darla.

The first thing I wanted to do was to rush to her room and see if she really is awake, but the doctor prohibited such movements.

“Your bones are not yet healed. Please take a rest, or something worse may happen.”

Kaya wala rin akong nagawa kundi humiga sa kama at isipin kung ano na ang nangyari kay Darla. Inisip ko kung nakakapagsalita na ba siya, at di kagaya no’ng na-experience ko no’ng nagising ako. Nonetheless, I thanked God she finally woke up, after all.

Paglapit nila Peter at Ully sa higaan ko, bubuka pa sana ang bibig ko para magsalita pero inunahan ako ng dalawa.

“Alam namin,” sabay na sabi nila. “Gusto mong bumaba dyan at takbuhin ang kwarto ng girlfriend mo,” tinapos ni Ully ang sentence.

“Bakit ba kasi ngayon pa ‘ko pinagbawalan?” nakakunot na ang noo ko. “Okay naman ako, e.”

Natawa lang si Ully. “Ano bang alam mo sa alam ng doktor? Saka sino ba ang pasaway na naglakad mula 5th floor hanggang 3rd floor nang hindi naka-wheel chair?”

“At least, nag-elevator ako.”

Tumahimik na naman kami dahil alam ko namang wala rin silang masasagot. Kanina pa ako kating-kati na puntahan siya, para malaman niyang okay lang ako, at masaya ako dahil okay na siya.

“Guys, kailangan ko kayo.” Napatingin silang dalawa sakin pagkasabi ko no’n.

I heard Ully chuckled. “Awww, ang sweet naman ng boyfiee koooo.” Nagboses babae pa siya sabay pisil sa pisngi ko.

Sinapok ko siya sa tiyan at napaurong siya habang nagtatawanan kaming tatlo.

“Seryoso ako,” sabi ko. “Tulungan niyo kong makababa rito.”

Nagtinginan silang dalawa bago nagsalita si Peter. “Sa tingin ko, di yan magandang idea.”

“Hindi nga.”—tinignan ko sila isa-isa—“Pero kailangan. Kayo lang ang maasahan kong makakaintindi kung bakit gagawin ko ‘to, okay? Walang masamang mangyayari.”

“Paano kung—“

I cut Peter off. “Wala.”

Matapos ang thirty minutes, nagpaalam si Mama na bababa siya para bumili ng kakainin kaya silang dalawa ang naiwan na magbabantay sakin. Nagkunyari pa akong inaantok bago siya umalis, at pagkasara ng pinto, ch-in-eck pa ni Ully hanggang sa malayo na si Mama. Nag-okay sign siya tapos inalis ko ang kumot at bumaba sa kama.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now