Chapter 32

7.3K 152 20
                                    

Chapter 32
© Shupershimmer

Maagang natapos 'yung tutorial ko kay Mika. Actually, ako ang maagang nag-dismiss dahil out of focus talaga ako.

Ito lang ang laman ng utak ko kanina pa: Ex ni Lawrence si Nina, nag-kiss sila, tinulak siya ni Lawrence, at higit sa lahat, nagselos ako.

Hindi ako magpapaka-ipokrito gaya ng iba na kunyari, di nila alam kung bakit naiinis sila 'pag may ganoong sitwasyon.

Aminado ako, pero hindi ko maintindihan kung bakit. 

Pagkatapos nung pagsara ko ng kurtina, hindi na bumalik sa Art Room si Lawrence-- na madalas niyang ginagawa. Pero hindi naman kami, kaya wala akong karapatang mag-amok. Alam ko.

Pagbaba ko ng hagdan, narinig ko ang mahinang tunog ng piano galing sa first floor. I tightened my grip on the staircase, and breathed deep.

Unti-unting lumakas 'yong tugtog-- na mukhang classical-- habang pababa ako nang pababa. I sighed when I didn't see him. Kaya, nagdire-diretso ako palabas.

Pumitlag 'yung heartbeat ko nang huminto ang piano.

"Ang aga mo yatang uuwi ngayon?" 

Lawrence's voice was not too loud. Mukhang kami lang ang tao sa first floor kaya dinig na dinig ko kahit mahina.

I turned around. "Oo, kadi-dismiss ko lang."

Doon ko lang nakita na nakaupo si Lawrence, sa tapat ng isang makintab na grand piano, na nakapwesto sa bandang gilid ng hagdan. Akala ko dati, display lang 'yan.

Saka ako tumalikod ulit nung hindi na siya sumagot.

"Madaling-madali ka yata?" monotonous ang tanong niya at walang expression.

Nilingon ko na lang ang ulo ko. "Sige, mauuna na 'ko."

Pagkahakbang ko nang isang beses, nagulat ako sa malakas na tunog ng piano. Parang binagsak ni Lawrence ang dalawang kamay niya sa lahat ng keys at kung ano-ano na lang ang pinindot. 

I stopped, and I became tense.

"Hwag mo nga akong gulatin!" sabi ko sa kanya sabay lingon.

Pagkatingin ko sa mukha niya, firm na firm lang ang titig-- hindi nakangiti-- habang nagtitipa sa piano. The next thing I knew, he cocked his head beside him.

"Uuwi na talaga ako, masakit ang ulo ko," Lame excuse, pero sana mag-work.

Nagpatuloy siya sa straight face at inulit niya ang ginawa niya kanina. He wanted me to sit beside him. The hell.

"Be with me," he looked down on the keys. "For a while."

I ended up following him. Para kasi siyang kakain ng tao 'pag hindi nasunod ang gusto. Naalala ko pa nga na nasigawan niya ang maid nang mali ang natimplang juice--imbes na pineapple, binigay ng maid ay orange.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon