Chapter 21

8.7K 142 13
                                    

Pa-promote ng isang story ko. Bago siya. "Love has taken its toll" 

Chapter 21

 

Kasalukuyan parin akong nakaupo sa couch ng kwarto ni Peter, pero nakasuot ako ng mahabang bathrobe dahil sinalang pa sa dryer ang damit ko. Si Lawrence, hindi ko alam kung nasaan dahil kanina pa siya lumabas ng kwarto. Pagkatapos nung ginawa niya, nagpaalam siya na bababa muna siya.

Ilang minuto rin yatang umikot at nagpaulit-ulit sa utak ko ‘yung ginawa niya—mula nang tinulak niya ako sa dingding, hanggang sa hinalikan ako, at sa pagyakap niya—was he serious enough?

Sa totoo lang, naguguluhan ako. Wala akong makitang point kung bakit niya gustong makipag-date or makipag-commit sakin. Wala siyang sinasabi kung bakit—para raw maka-move on ako? Napakababaw naman. Imposibleng ialok niya ang sarili niya bilang rebound, no. Yun pa.

Sumagi sa isip ko nab aka gusto niya akong pagtripan, gaya ng nagawa niya sa iba. Tipong kung kailan niya lang gusto, saka siya makikipagkita.

Kung type man niya ako, ano’ng nakita niya sakin? Bukod sa chocolate hills?

Napalingon na lang ako sa pinto nang may pumasok. Akala ko naman si Lawrence kaso ibang tao. Napaayos tuloy ako ng upo nang makita ko yung girlfriend ni Peter.

“Hi,” bati ko sabay ngiting tipid, “Pasensya na sa nangyari, ha.”

Umupo siya sa gilid ng kama habang nakaharap sakin, “Okay lang, actually nag-alala ako kanina. Akala ko kasi malulunod ka. Sino ba ‘yung babaeng tumulak sayo, ate?”

Napakurap ako sa tinawag niya. Ate?! Gurang na ba talaga ako?

I awkwardly chuckled, “Ah, hindi ko siya kilala. Siguro lasing yun, o kaya trip-trip niya lang.” I pressed my lips, “Wag mo na akong tawaging ate. Darla na lang.”

“Ah,” tumango siya, “By the way, if you don’t mind me asking, boyfriend mo ba si kuya Lawrence?”

Teka, ilang taon na nga ba ‘tong si Kristina? Parang ang pangit pag sinabing Kuya Lawrence. Ang chaka, di bagay sa ungas na ‘yon. Sa bahay nila tinatawag siyang Sir, tapos kuya? Wow.

Napailing agad ako, “Ha!? Hindi, ah!”

Tumango siya pero parang di naniniwala, “’Yung mukha niya kasi kanina, galit na galit lalo na nung nakita naming nahulog ka sa pool. Siguro kung di mo siya sinaway kanina, baka naitulak niya yung umaway sayo siya sa tubig.” Ngumiti siya, “Pero kung ako ikaw, hahayaan ko na lang si kuya Lawrence na itulak yung babae.”

Napakamot ako ng ulo, “Magkai—I mean, magkakilala kasi kami ni Lawrence. Siguro ganun din ang gagawin ko kapag nakakita ako ng kakilala na inaagrabyado.”

Huminga siya nang malalim, ganun din ako. Di ko alam kung may dumaang anghel o nautot lang siya dahil bigla kaming natahimik nang ilang segundo.

“Kilala mo ba ang mga barkada ni Peter?” tanong ko sa kanya, “I mean, sina Ully, Lawrence, at yung mga ibang blockmate?”

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now