Chapter 41

7K 134 18
                                    

© Shupershimmer

U gotta hide ur ass, bitch

Pangatlong beses na akong nakatanggap ng magkakaibang mensahe gawa sa pentel pen na nakasulatsa punit na yellow paper. Kung sino ang nagbibigay, wala akong alam. Kung bakit, hindi ko rin alam.

Noong nakaraang araw na natanggap ko ang unang sulat na may kasama pang mura sa unahan—may nag-doorbell sa bahay, at pagtingin ko, nakasingit ang papel sa pagitan ng dalawang bakal ng gate—si Josh ang una kong nasabihan. Kahapon ang pangalawa, at ngayon ang pangatlo.

Doon na ‘ko kinabahan.

Noong una, hindi ko kasi pinansin dahil baka may kung sino’ng adik lang ang nakatira ng Vulcaseal at napagtripan ako, pero sa pangalawang yellow paper, nadawit na ang pangalan ko.

“May kaaway ka ba?” tanong ni Josh nang pinakita ko na ang third message.

Umiling ako. “Wala, hindi ko alam kung bakit binibigyan niya ‘ko nito.”

“Alam na ba ‘yan ni Lawrence? Nagkita kayo kahapon diba?”

Umiling ulit ako sabay patong ng isang kamay ko sa armrest ng upuan sa bahay nina Josh. Nagkaroon na naman ng awkward silence na parang pareho kaming nag-iisip kung sinong may gawa no’n. Sabi ni Josh, posibleng si Brent, pero di ko pinansin. Hindi niya gagawin ‘yong gano’ng kababaw na bagay.

Naalala ko nang magkita kami ni Lawrence para lang kumain sa labas. Hindi gano’n katagal ang usapan namin, dahil hindi naman talaga kami makakapag-usap. Pano ba naman, nadamay pa sa lakad ang barkada niya—o baka, ako lang talaga ang saling-pusa, dahil hang-out nila ‘yon. Kaya wala akong time na sabihin sa kanya ang mga ganitong threats. Isa pa, nagkaroon kami ng konting away kahapon.

Hindi ko alam kung bakit biglang hindi na lang kami nag-usap. Basta, nabadtrip ako. 'Yon na ‘yon.

Naalala ko bigla ang nangyari kahapon, habang kasama ko sila.

“Guys, pili na kayo ng order,” sabi ni Peter habang nilalapag ng isang crew ang tatlong menu. Kinuha naman namin ni Lawrence yung isang card.

Kalalabas lang namin galing sa Araneta dahil nanuod kami ng PBA no’n, kasama sina Ully, Peter, Kristina, Robert, Luis, at si Nina. Hindi ko alam kung nasaan ang koreanang girlfriend ni Ully, pero nag-conclude akong break na sila.

At hindi ko rin alam kung bakit kasama si Nina.

Pero hindi ko na siya inintindi. Katabi ko naman si Lawrence at no’ng time na ‘yon, nakahawak pa ang isang kamay niya sa bandang bewang ko, na parang anytime pwede akong maligaw kaya nakakapit siya.

“Ano’ng sayo?” tanong ni Lawrence sakin.

In-scan ko ang menu, at karamihan, hindi pasok sa taste ko dahil puro ihaw ang pagkain, half-cooked o kaya smoked. Pero wala akong magagawa, kailangan kong makisama.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now