Chapter 28

7.4K 149 17
                                    

Chapter 28

© Shupershimmer

Friday ngayon, at kahit huling araw ng klase, kumpleto yata lahat ng estudyante sa College namin dahil ito ang araw na hinihintay namin.

CAFA Year-End Celebration!

Kahit walang professors buong araw, sobrang ingay ng classroom dahil yung party ang pinag-uusapan namin. Excited sa mga pakulo. Excited sa guests. Excited kasi sobrang exciting.

They do this every year at nung first year ako, na-overwhelm talaga ako nang sumama ako dahil hindi ko inisip na ganun pala kasaya sa college—ibang-iba sa high school. 

Halos buong class officers namin, wala sa klase dahil abala sa pag-aayos ng gym. Occupied kasi ng college namin ang buong gym dahil doon gaganapin.

Kaninang lunch, dumaan kami ng dalawang kaklase ko sa gym at sumilip. Mas na-excite kami dahil nakita namin ang lights, ang design, balloons, at malalaking speakers.

We even jumped, seeing it. Seriously.

5 PM pa ang start ng program, at kung pwede lang, pabilisin namin ang oras. Sa ngayon, walang naka-uniform samin. Excused kami para magcivilian at nakasuot ako ng white printed shirt na naka-tuck in sa black skater’s skirt ko. I matched it with a wedge shoes na kulay red.

“Wow! Ang sexy, ah.” Naaalala kong sabi ni Eula nang makita ako pagpasok kanina.

Siya naman, nakasuot ng red wine sleeveless dress na pencil cut hanggang above-the-knee. She’s sexier than our uniform.

“Ikaw nga, e, kabog na kabog.” Ini-scan ko ang damit niya. “Mukha ka ng Donya Eula.” Then, we laughed.

Last year, kasama ko si Brent dito. Though, ang party, e, under ng College namin, open pa rin siya sa ibang course kaya nakapasok si Brent. He only had to buy a ticket for a seat.

I don’t know if he’ll come today. Who cares.

Katabi ko na si Eula ngayon sa isang circular table, middle part ng gym.

“Ano-anong mga gagawin?” I shouted. Malakas kasi ang soundtrip sa gym tapos si Nicki Minaj pa ang kumakanta. “May artista ba!?”

Umiling siya. “Secret! Bawal spoiler!”

Uminom na lang ulit ako ng juice matapos madisappoint sa sagot ni Eula. Grabe, wala man lang akong perks sa kanya. Feeling niya naman pagkakalat ko sa buong gym. Pinilit ko pa siya, pero wala naman siyang sinabe.

The party started at 5:40 PM. Yea, Filipino Time.

Speech from the College President, from deans, from blah-blah-blah. Tapos, nagpasimula ng games, and di ko ma-enumerate lahat dahil nakalimutan ko ang tawag. The games were good, at talagang kailangang sumali ang sinumang mabunot. In short, bawal ang KJ.

The most exciting part of the game, is the “Body Shot.” I think, yun lang ang naalala ko dahil sobrang saya talaga at napaka-ingay sa gym. 18 and above lang ang pwedeng mabunot kaya ang first years, hindi kasali.

Ang swerte ko lang dahil ‘di ako nabunot. Ayoko kaya. Nagka-phobia na ko.

Everytime na may body shot ang isang lalake sa kung saan-saang part ng katawan ng babae—or vie versa—naaalala ko ang Truth and Dare nina Lawrence. Yung halos bumagsak ako sa sofa dahil sa ginawa niya.

Feeling ko nga, yung ibang babae na katabing table ko lang, parang gustong-gusto masali sa body shot. Jusko, makatili kasi.

“Sayang di ka nabunot!” untag sakin ni Eula over a loud scream of crowd. “Mukhang masaya!”

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon