Chapter 29

7.3K 163 39
                                    

MA-RE -RELEASE NA ANG “HOME SWEET HOME” BOOK THIS JUNE 2014!

Chapter 29

© Shupershimmer

Ngayon ko lang nakita ang ganyang titig ni Lawrence. Siguro, kagaya nung time na nasa bilyaran ako, nung una kong nadiscover ang Rec Room niya. Naaalala kong sinabi niyang kilala niya ang mga lalake gaya ni Brent.

Nung Lunes na nasa bahay ako ng tita niya, hindi ko siya nakita. I just thought that he was so busy. Kahit nung Miyerkules, so ngayon ko lang talaga siya nakita.

Nanlamig yata ako pagkatapos ng kanta at halos hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. As in hindi talaga.

Pagkababa nila, may ilang sumalubong para magpa-picture—mga ilan lang naman pero puro babae at bakla—at hindi ko talaga siya matignan.

I glanced at Eula, who’s smirking at me.

“Ikaw ba nag-contact at nag-invite sa kanila?” tanong ko kay Eula nang mahina para di marinig ni Ully na kausap ang katabi niyang babae.

She smiled evilly. “Hindi, ah. Pero let’s say na… nakatulong ako sa pag-invite.”

I glanced shortly at Lawrence but he’s busy with those girls. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Crush ng Vice President ng SC si Lawrence. Tapos sabi niya sa meeting, gusto niya raw i-invite sila dahil tumutugtog ang tropa ni Lawrence, kaya lang nagdadalawang isip siya dahil baka i-turn down ang request or ang e-mail.” Paliwanag niya.

“Vice?” I frowned.

Tumango siya. “Yes, si Ate Mich. Anyway, I confirmed kung ‘yung Lawrence ba na sinasabi niya, e, yung taga-kabilang school. Um-oo siya, at sabe, Music ang course.”

I became curious of that Mich—pero wala sa isip ko ‘yun sa ngayon.

“So, paano ka nakatulong?” I asked, suspicious.

“Hm, sinabi ko na na-meet ko si Lawrence dahil pinakilala mo sakin. Sinabi ko ring close kayo, tapos ayun.”

Medyo naguluhan ako nang marinig ko. Hindi ko kasi ma-gets ang koneksyon ng pagkakakilala ko kay Lawrence sa pagtanggap nila sa request ng college namin to guest the party. I don’t get anything.

Nahalata ni Eula ang pagkagulo sa mukha ko. “You know, nag-send kami ng request E-mail kina Lawrence, at kay Ully, tapos sinabi naming friend mo kami at matutuwa kami kung pupunta sila.”

Bigla siyang tumawa nang bahagya na parang inaalala niya ang paggawa nila ng request e-mail, habang ako, nanlalamig.

Hindi lumapit si Lawrence sakin. Hindi nag-hi sa table—siguro nararamdaman niya yung nararamdaman kong panlalamig. You know, biglang parang nahihiya kaming mag-usap? Nagkaroon ng ilangan factor.

“Guys, why don’t you join us there?” untag ni Ully sakin habang may sumasayaw na dance troupe sa stage.

“Huh?”

“Lumipat na lang kayo sa table nila Lawrence.” He smiled, and the side of his eyes crinkled. “Pati na si Eula.”

Umiling ang katabi ko sabay inom ng Blue Lemonade na hawak niya. Tumingin naman ako kay Ully sabay iling. “No, okay na kami rito. Guest’s table ‘yun. Baka ma-issue pa ‘ko.”

He hissed and narrowed his eyes. Pero, umiling parin ako, at tumayo siya sabay tapik sa balikat ko. Lumipat siya sa table nina Lawrence at in-appear-an niya isa-isa. Sa tingin ko, nag-congratulate siya.

Lawrence didn’t even glance at me.

Sa totoo lang, malayo ang mesa nila— iba ang kulay ng table cloth, at mas malaki. Agaw atensyon talaga pag naglakad kami ni Eula papunta sa kanila dahil bandang harap sila, right side of the gym. 

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now