Chapter 42

5.9K 142 22
                                    

I-add na si Lawrence sa FB! (external link)

© Shupershimmer

LAWRENCE’s POV

Pagkatapos ng naging usapan namin sa cellphone, napaisip ako. Alam kong alam ni Darla, na hindi kami okay. Hindi ko alam kung bakit, pero alam kong kanina pa siya hindi kumikibo—simula nang kumain kami kasama ang barkada, at si Nina.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saang part ba siya nabadtrip: sa presensya ni Nina, o sa sinabi no’n doon sa restaurant. Magulo.

Ngayon ko lang nasabi kay Darla ang magiging byahe ko next week dahil unang-una, hindi naman siya gano’ng ka-big deal sakin. I mean, almost every year, pumupunta ako kina Papa, at normal na routine ko na yata ‘yon tuwing bakasyon. At, yun ang mali ko.

Hindi ko man lang nasabi sa girlfriend ko ang plano, samantalang ang ex, may idea.

“Shit,” bulong ko saka nilagay ang dalawang kamay ko sa pagitan ng ulo at unan ko.

My eyes are shut, but not my mind. Paikot-ikot sa isip ko kung ano ang dapat gawin para malaman niyang wala siyang dapat ipagselos kay Nina? Na hindi niya dapat ikumpara ang sarili niya?

Nina’s part of the past. She’s the present—my now.

 

Dumilat ako nang marinig ko ang vibration ng cellphone ko sa bedside table. Inalis ko ang isang kamay sa ulo, saka inabot, at binasa ang text message kay Peter.

From: St. Peter (St. is not part of his real name, though)

Ano oras sa airport next, next day?

I replied.

To: St. Peter

Wag na.

From: St. Peter

Dude, every year ka na yata naming nahatid do’n. Ngayon pa? Btw, sold-out na ticket namin sa stage play. Ha, you should watch. Too bad, nasa Hawaii ka next week. Asshole.

Next week, may gaganapan si Peter sa isang musical stage-play, at kung di ako nagkakamali, siya ang kaibigan ng bidang babae—na mahal niya, pero mas type ang isang matandang lalake. Last month siya nag-audition, at natuwa naman kami dahil nakalusot ang mokong sa judges. May bayaran yatang naganap. Joke.

To: St. Peter

May ticket ako para sana kay Darla. Pete, mamimiss ko siya.

I sent it right away, before I changed my mind. Napamura nga ako nang mabasa ko ulit dahil napaka-gay ng tono. Pero, text message lang ‘yon, hindi naman voice message, so depende kay Peter kung ano’ng interpretation niya.

After five minutes, nag-vibrate ulit.

From: St. Peter

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon