Chapter 39

6.4K 161 8
                                    

© Shupershimmer

Umurong ako kahit masikip ang daanan, at sinipa ang doorknob na medyo nakalawit na. Konting sipa lang, masisira na rin siya. Dumagundong ang pagkakasipa ko sa pinto, tipong napapatingin ang mga nasa labas sa ginagawa ko.

Siguro akala nila lasing ako dahil sinisipa ko ang pinto. Akala nila baliw ako.

Tumulak papasok ang pinto at kumaripas agad ako sa cubicle area. Halos sumabog ang galit ko nang makita ko ang nasa loob: nakatakip ang kamay ni Mike sa bibig ni Darla, at sinisira niya ang T-shirt habang hinahalikan siya sa leeg.

Hinablot ko agad ang likod ng kwelyo ni Mike, at kinaladkad palabas ng CR. Napasubsob siya sa kalasingan kaya sinipa ko siya sa tiyan, at bumaluktot sa sahig.

Nagulat ang lahat, pati sina Ully. Wala akong pakialam. Bakit ba lahat na lang, pinag-iinteresan ang akin? Lahat na lang.

Niluhod ko ang isang tuhod ko sa tagiliran ni Mike at sinakal ko siya sa leeg. "Tarantado ka, ba't mo nagawa 'yon sa girlfriend ko? Gusto mo bang mamatay!?"

Sinuntok ko ulit siya, at ramdam na ramdam kong madiin ang pagkikiskisan ng mga ngipin ko sa sobrang galit. I want to smack his face until it bleeds. I want to punch him until he dies.

Siguro nga sumapi na sa katawan ko ang kampon ni kamatayan dahil sinusuntok ko parin siya kahit alam kong nakapikit na siya at nagdudugo ang labi niya. But I don't regret doing this. Not even a slight regret.

Hindi sina Ully ang nakaawat samin, kundi ang security. Hinawakan nila ako sa braso at si Mike, hindi makatayo dahil nakabaluktot na siyang parang uod sa sahig. I suddenly want to step on his ass, but I can't reach.

"Tang ina mo, Mike. Wag na wag mong papakialaman ang girlfriend ko!" tinignan ko nang masama ang isang SG. "Bitawan niyo nga ako!"

Kumalas ako sa hawak nila at nilagpasan ang mga barkada ko na kanina pa umaawat. Nagmadali akong pumasok sa loob ng banyo, at nakita kong nasa loob si Nina, kasama si Darla.

She's crying helplessly, and it inevitably tore me apart. Nakasalampak si Darla sa tiles habang nakafold ang mga tuhod, at yakap niya 'yon. Nakapatong din sa balikat niya ang cardigan na suot ni Nina kanina.

"Lawrence, mas okay kung iuuwi mo na siya," narinig ko si Nina at lumapit ako kay Darla.

I bent my knees, to see her eyes. Nakayuko lang siya doon at tahimik na umiiyak. Lumunok na lang ako ng laway, para mapigilan ko ang sarili kong maiyak dahil sa nakikita kong kalagayan niya.

Pakiramdam ko kahit mapatay ko si Mike, kulang pa 'yon para maiganti si Darla.

"Ihahatid na kita," mahinang sabi ko habang inaayos ko ang pagkakasuot ng cardigan sa kanya para matakpan ang nasirang neckline ng t-shirt.

Hindi ko talaga alam kung paano ko siya mapapatahan. Dire-diretso lang ang luha niya na parang na-trauma na talaga siya. I sighed deep. Tumayo ako, nag-bend, at inalalayan ang magkabilang braso niya para makatayo.

Hanggang ngayon, nararamdaman kong nanlalamig at nanginginig ang laman niya. Kahit ang tuhod niya, hindi makatayo nang diretso. I even have to grip her on her arm to make her steady.

Nakayuko pa rin siya, pero hindi na siya umiiyak. I cupped her face to wipe the tears with my thumbs. Inayos ko rin ang magulong buhok niya na nagkalat sa harap niya, at hinawi pataas.

"I'm sorry," bulong ko habang inaayos ko ang itsura niya. "I'm really sorry."

She wiped her tears with her sleeves. Namugto agad ang mga mata niya, at putlang-putla na siya. Wala akong maisip na paraan kung paano siya maco-comfort. Basta ang naisip ko, niyakap ko na lang siya sa may balikat, at dinikit ko ang mukha niya sa dibdib ko.

"Everything's going to be okay," I whispered in her messy hair, and she sobbed.

Lumabas si Nina sa banyo at narinig ko bigla ang mga boses nina Ully sa labas. Nagtatanong sila kung kumusta, at ano nang nangyari.

Bumitaw ako sa yakap, at humarap sa may pinto. "Mauuna na 'ko."

Sinamahan ko si Darla palabas, hanggang sa makasakay siya sa passenger's seat ng kotse ko. I'm glad hindi ko na nakita ang mukha ni Mike dahil baka madagdagan ko ang dugo sa bibig niya.

Subukan niya lang na magpakita-kahit anino niya-talagang manghihiram siya ng mukha sa bulldog.

Hindi kami nag-uusap habang nasa byahe. Wala rin akong topic na dapat i-open-up lalo na't alam kong wala siya sa wisyong makipag-usap. Kada lilingon ako sa kanya, palagi siyang nakatingin sa malayo, o kaya sa labas ng bintana, at nakikita ko ang panginginig ng mga kamay niya sa ibabaw ng hita.

I reached for her one hand, and held it tight. As much as possible, I wanted to give her hand warmth. I wanted her to feel that I am here, whatever happens.

Bago mag-go ang stoplight, nilapit ko ang kamay niya sa labi ko, hinalikan, saka ko binatawan ulit.

Gano'n lang ang eksena namin hanggang sa makarating sa kanila. Nag-stay pa siya sa kotse ng five minutes para ayusin ang buhok, at damit niya. Kahit ano'ng gawin niya, sira pa rin ang itaas ng T-shirt.

"Itakip mo na lang ang cardigan, at umakyat ka sa kwarto mo na parang wala lang," sabi ko sa kanya habang humihigpit na naman ang hawak ko sa manibela.

"Lawrence, tawagan mo 'ko pag-uwi mo," sabi niya. For the first time, I heard her speak again.

"Magpahinga ka muna."

"Hindi ako makakatulog... kausapin mo 'ko sa phone mamaya."

It wasn't just a simple request. It's a plea. And I had nothing to do, but to nod. Inalis niya ang seatbelt, at binuksan ang pinto. She waved good-bye, and smiled slightly.

I actually want to kiss her before she leaves but I realize it's not appropriate by now. Tumango na lang ako habang nakangiti, at pumasok na siya sa gate.

Tinawagan ko siya kinagabihan. 'Di nga siya makatulog, pero sa palagay ko, mas okay na siya kaysa kanina. Maraming bagay ang napag-usapan namin, pero wala ni isa do'n si Mike. Siguro, mutual thinking na rin dahil ayokong pag-usapan 'yon.

Napadalas ang pag-uusap namin sa cellphone sa mga sumunod na araw dahil hindi nga kami gano'n kadalas magkita. Hindi tulad no'ng may pasok na halos araw-araw nakakasama ko siya.

Minsan napag-uusapan namin ang paboritong pagkain, movies, at brand ng chocolate, pero minsan, puro 'haha' lang ang usapan. Puro asaran.

May isang gabi pa nga, na nag-I love you ako sa kanya, at imbes na mag-I love you, too siya, nasurprise pa siya dahil ngayon ko lang daw sinabi 'yon sa kanya. I realized it's true so I repeated the phrase 'I love you' and she'd say 'I love you, too' until we both fell asleep.

Siguro nga mukhang tanga pag nakita niyo, o narinig ang usapan namin. Kaya nga kinuwento ko na lang, at hindi na sinama pa ang conversation. But at least, I tried to be the corniest person ever lived.

"Bye," sabi ko

"Bye," sagot niya naman.

"Bye."

"Bye."

"Bye."

"Ibaba mo na," sabi niya sabay ngisi.

"You first," I smiled.

"Edi sabay tayo, after three."

"One," bilang ko naman.

"Two," dugtong niya, at ako naman ang napangisi habang nakatihaya ako sa ibabaw ng kama ko. Ala-una na, pero dilat na dilat pa rin ang mata ko.

"Three," sabi ko.

Tapos na ang count of three, pero kahit isa, walang nagbaba. Pagkatapos no'n, bigla na lang kaming nagtawanan, at humaba na naman ang usapan hanggang alas-dos.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now