Chapter 22

8.7K 149 25
                                    

O ayan, si Brent ->

Chapter 22

© Shupershimmer

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng LRT train at nagitgit ako dahil sa mga papalabas na tao. Habang ako, natameme sa harap ni Brent matapos marinig yung sinabi niya.

Tama ba rinig ko? Wala na raw sila? Baka naman iba? Pero kakagamit ko lang ng cotton buds kanina, eh.

"Sige, ingat."

Yun na yung huling nasabi ni Brent bago ako nagkusang lumabas ng pinto. Di ko alam kung paano mapapaliwanang nang tama ang nararamdaman ko ngayon; pinaghalong gulat at pagtataka na may kasamang heatbeats.

Bakit kailangan niyang sabihin yon sakin? Di ko maintindihan.

It took me seconds before I was able to insert the card. Hanggang sa narealize ko na lang na na-invade na ni Brent ang utak ko, kaya napailing ako bigla. This can't be. Ayokong bumalik na naman ang feelings ko-- mawawala na, e. Kung tutuusin, kaya ko na.

Wala siyang sinabing dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong dapat i-pre-empt. Masakit ang assumptions-- lalo na kung malabo naman.

At sa pagkakaalala ko, the last tine na nag-usap kami, sinigaw niya pa na ayaw niya na sakin.

Did he regret his words, now?

Pagpasok ko ng bahay, nandoon na si Mama sa kusina at busy sa paghahanda ng dinner habang nakikinig ng Easy Rock sa radyo.

"Saan ka galing?"

Bungad ni Mama pagkakuha ko ng inumin sa refrigerator.

"Birthday lang ng kakilala ko." sagot ko sabay sibat papuntang sala. Mahirap na, baka mahalata niya pang bagong laba yung uniform ko.

Napasimangot naman ako nang marinig ko ang kantang "Tell Me" by Side A sa radyo. Of all the songs, bakit yung pambansang awit ko pa nung brineak ako ni Brent? Seryoso, ano ba'ng nagawa ko sa mundo para pasakitan?

"Ma, ililipat ko 'to ah!" sigaw ko.

"Subukan mo!" umismid na ako, "Malilintikan ka sakin!"

 

Why did it have to end so soon?
When you said that you would never leave me?

 

Tell me, where did I go wrong?
What did I do to make you change your mind completely?

Talagang nagsalubong na ang kilay ko dahil hindi tanggap ng resistensya ko yung lyrics kaya nagdesisyon akong umakyat at magbihis na. Atleast, hindi gaanong naririnig. Walang tagos factor, at hindi masakit.

Shet lang Brent, bakit mo ko sinayang?

Hindi pa ako nakakahubad ng uniporme, tumunog agad yung phone ko tapos dali-dali ko namang kinalkal sa bag. Only to find out na si Lawrence pala ang hinayupak na gumambala sa oras ko.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon