Chapter 40

7.8K 162 31
                                    

© Shupershimmer

DARLA’s POV

“So, ano’ng sinabi ng Mama mo?”

“Wala naman. Mukha namang okay lang sa kanya.”

Kasama ko si Josh ngayon sa isang salon para magpa-hair dye. Nagpagupit na rin nang konti, pero mas nagpatagal sa oras ‘yong pagpapakulay ko. Yellow-brown, just below my hair. I mean, kinulayan ng stylist ang waves ng buhok ko.

Minsan, kailangan kong gamitin ang kinita ko sa tutor duty para magpaganda.

Kinwento ko kanina kay Josh na pinakilala ko si Lawrence—the apple of his eye—bilang boyfriend sa Mama ko last Tuesday. Galing kami sa isang cinema date no’n tapos pinapunta ko siya sa bahay. Ayun, matic na.

“Nakaka-tempt ba siya?” mahinang tanong niya, pagkatiklop ng magazine na hawak niya. Nakaupo siya sa tabi ko at nagdadaldal.

Buti na lang umalis saglit ang stylist, at di narinig ang tanong  ni Josh. Oh my God, Josh. Ano’ng klaseng tanong ‘yan?

Nagsalubong ang kilay ko habang natatawa. “Pwede ba.”

“E, sinabi mo kanina nag-kiss na kayo nang hard—“ Pipigilan ko sana ang bibig niya pero natabunan ang beauty ko. “SA SINEHAN. Remember?”

“'Tikom mo nga ‘yang bibig mo,” banta ko habang nakaharap sa malaking salamin. “Tsaka, ano’ng masama? Boyfriend ko naman siya. Saka, ang boring ng movie—“

“Kaya gumawa kayo ng something exciting. Ha.Ha,” sarcastic ang pagkakasabi ni Josh tapos nanahimik na siya nang dumating ulit ang stylist ko para banlawan ako.

It went good. I love my hair. Parang feel na feel ko tuloy i-flip ang buhok ko palagi, kahit wala namang rason. Sana buhok na lang ako.

Nasa KFC kami ni Josh para kumain ng lunch. Of course, it’s my treat; ako kasi ang nangyaya sa kanya kahit nakapambahay lang siya ngayon. Sino’ng may paki? SM lang naman ‘to. As if nasa Shangri-La kami, o SM Aura.

Naglalaway ako no’n sa gravy nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Ully is calling. Weird. Ngayon ko lang nakita ang pangalan niya sa screen ko.

“Hello?” sagot ko. “Bakit?”

“Darla,” natigilan ako sa pagkukutsara sa kanin nang banggitin niya ang pangalan ko. May tono kasi ng anxiety. Pati ako, nag-alala bigla.

“Ano?”

“Pumunta kami sa bahay ni Lawrence... ang taas ng lagnat niya. Ni hindi nga namin makausap nang matino, e. Nakabaluktot lang sa kama niya,” ilang beses kumurap ang mata ko sa sinabi ni Ully.

“Ha? E, kanina, katext ko lang siya. Ba’t wala naman siyang nabanggit na masama pakiramdam niya?” I became worried for some reason.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now