Epilogue

7.8K 208 57
                                    

© Shupershimmer

Lawrence’s POV

Nag-preno ang driver ni Lolo sa parking lot ng PICC. Nakita ko ang pila ng mga sasakyan kaya medyo nahirapan kaming maghanap ng available na paparkingan ng kotse. Bago ako bumaba, inayos ko ang pagkakatupi ng polo sa siko ko at tumingin ako sa rear mirror para ayusin ang buhok. Kailangan gwapo ako.

“Mukha pa ba akong tao?” tanong ko sa driver namin.

“Yes, sir.”

Inabot ko sa backseat ang isang malaking bouquet ng roses at naglakad papunta sa venue na pupuntahan ko. Pagpasok ko sa isang pinto, on-going na ang graduation ceremony at may mga naka-togang college students na umaakyat na sa stage at may hawak na diploma.

Napakalayo ng kinatatayuan ko sa pwesto ng mga Arts students. Malayo ako sa vision ni Darla.

Umupo lang ako sa duluhan dahil ‘yon ang available na seat at hinintay ang mahabang ceremony. I fished for my phone and sent her a short message.

To: Catacuts

I’m here.

Alam ko na kung saan siya nakapwesto kaya pagka-send ko ng text, nakatitig lang ako sa likod ng ulo niya at wala pang isang minuto, lumingon siya sa likuran. I smiled, though she’s trying to look for me. So, I waved my hand and she saw me. She smiled, and I felt like running toward her.

I took pictures of her as she walked on the stage. Yes, I’m a proud boyfriend. Unfortunately, mas maaga akong grumaduate sakanya. Kailangan niyang mag-stop sa school para makapagpahinga, at di rin niya magagawa ang mga kailangan sa requirements niya dahil hindi pa okay ang kamay niya.

One week after she opened her eyes, she was finally able to speak. Though, the first month of her recovery was a struggle. May mga oras na naging moody siya at ayaw niya akong kausapin. May time na nag-away pa kami dahil sa oras na ‘yon, sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari.

“Lawrence, relax,” sabi ni Peter dati. “Malungkot lang siya dahil kailangan niyang huminto sa school. Magiging okay din lahat.”

Kaya hinabaan ko ang pasensya ko sa abot ng makakaya, at maganda naman ang resulta. Wala namang nagbago sa feelings ko sa kanya.

Mahal ko parin siya.

No’ng nag-aaral ako ng last year sa college, kada matatapos ang klase ko, o kaya sa tuwing walang professor, dumideretso ako sa bahay nila Darla at lagi kong naaabutan si Josh na kasama niya. At least, he’s not Brent. I can trust him.

As for the case, it took us half-a-year bago nakulong si Mike. No’ng time na nasa fourth year college ako, hindi na siya bumalik sa school dahil nagtago siya. For short, he's wanted. Later on, nabalitaan na lang namin na nahuli siya, and the witness was his ex-girlfriend, named Denise.

Hindi alam ni Darla na may nagaganap na investigation dahil nagkasundo kaming di ipapaalam sa kanya dahil under recovery palang siya no’n.

Ang pagkakaintindi niya, aksidente lang talaga lahat.

Pero ang pinaka di makakalimutang sinabi niya sakin, e, no'ng nag-sorry ako sa kanya--sa aksidente, dahil nadamay siya.

"Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Ginusto ko namang samahan ka no'ng araw na 'yon dahil ayokong palampasin ang araw na hindi tayo okay. Mag-sorry ka kung ikaw ang bumunggo sa kotse; mag-sorry ka kung ikaw ang may kasalanan. Hindi mo kailangang pagsisihan ang bagay na 'di naman dapat."

That moment, I just kissed her lips. 

  

Nag-continue lang siya no’ng time na grumaduate ako. Panibagong adjustments ‘yon sa kanya dahil ibang tao ang classmates niya. Panibagong taon. At matagal ang naging agony niya dahil iniisip niyang naka-graduate na ang classmates niya samantalang siya, nasa fourth year palang. 

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now