Chapter 17

9.4K 147 12
                                    

Chapter 17

©Shupershimmer

Habang nagreready na sila Lawrence sa final rehearsal nila ng icocover daw, kinausap ko naman si Peter na katabi ko sa monoblocks. Besides, naghahanap din ako ng way para hindi mapansin ang nakaka-intrigang pagtingin ni Lawrensha sa pwesto ko.

“Project niyo ba ‘to?” tanong ko kay Peter.

He shook his head, “No. Mahilig lang talaga kaming mag-cover, tapos ipopost namin sa Youtube.”

“Ah,” napatango pa ko, “Ayos ng trip ninyo, ha. Marami namang nanonood? I mean, okay naman ang videos?”

Napaisip pa siya, “Uhm, oo. 20,000+ na nga yata ang subscribers namin sa Youtube, saka libangan lang naman namin ang paggaganito. Minsan, si Ully ang vocalist. Pasalit-salit lang.”

Nanahimik na ako dahil tinawag na si Peter para i-set ang lahat ng camera. Yung katabi ko namang babaeng nakibeso kay Lawrence, e, busy sa pagsusulat sa notebook na hawak niya. Ang sipag naman nito, masyadong grade conscious.

Nilagay ang tatlong tripod camera sa harap; isa sa front-middle, isa sa bandang drums and guitar, isa sa tapat ni Lawrence. Ha, sana mukha niya na lang kinunan. Psh.

Mga ten minutes bago sila naka-settle tapos umupo ulit si Peter sa kabilang side ko at sinabihan pa ako na panuorin ko raw si Lawrence.

Una kong narinig ang gitara at pagtipa ni Lawrence ng keyboard. Nung una talaga, nakatutok lang ako sa naggigitara. Shit, ang astig kasi. Pero pagbaling ko kay Lawrence… tama ba ang nakita ko? Ang sama ng tingin niya sakin. Was that a glare?

Ano’ng nagawa ko?

[Play the song “Broken Heart” in the Multimedia section]

Tricia:

Can you fix a broken heart that is tearing me apart?

I didn’t know that this could be so hard

Missing your warm embrace, angel’s smile on your face

Remembering our happy days

Pagkarinig ko ng first verse, kinilabutan agad ako. Di ko alam ang title ng kanta pero naririnig ko siya sa mga radyo. At higit sa lahat, tangina, nakaka-relate ako. Pucha, sa lahat ba naman ng kakantahin, pang-laslas puso pa. Ano ba naman ‘yan?

Ang nakikita ko, e, sina Lawrence at yung iba pa, pero nang marinig ko ang lyrics, si Brent ang naiisip ko. Potek, pang-broken hearted nga. Nakakabadtrip lang at nag-flashback ang lahat ng pwedeng ma-flasback.

Tricia:

Since the day you went away, my life has gone astray

Can you help me, help me find a way?

Medyo lumakas ang instruments sa chorus at may sumasabay na second voice kay Tricia. Pagtingin ko, si Lawrence pala ‘yun! Thank God at hindi ulit siya naka-glare sakin dahil busy siyang nakapikit. Yeah, dinadamdam niya ang pag-emote. But he looks hot—pwe.

Tricia:

Would you tell me how to mend this pained

broken heart...

I remember him, again. Ugh, paking tape.

And the drummer and guitarist entered their roles. Tapos, napa-lean forward ako nang marinig kong si Lawrence na pala ang babanat ng second verse. Pag-angat ng ulo niya, diretso siyang tumitig sa mga mata ko, na siyang dahilan kung bakit ako kinabahan bigla. Unexplainable heartbeat.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now