“Ano’ng gagawin natin pag naabutan ng Mama mong wala ka sa kama?” natatarantang tanong ni Peter.

“Hindi niya tayo mahuhuli,” sabi ko. “Unless may magsusuot ng hospital gown at hihiga sa higaan ko. Ully.”

“ANO?” Nanlaki pa ang mga mata niya. “Pahihigain mo ‘ko dyan? Baliw ka? Makikita ng mama mo ang mukha ko!”

I nodded toward him. “Magpalit tayo ng damit. Wala nang oras! Saka magkakulay naman ang buhok natin, diba? Ang kailangan mo lang gawin, ilingon mo ang ulo mo sa kabilang side na hindi makikita ni Mama. Si Peter ang bahala sayo.”

“HA?” Si Peter naman ang napasigaw. “Iiwan mo kami rito? Paano kung may makakita sayo sa labas? Paano kung mabuko kami? Pucha.”

Hindi ko na inintindi si Peter dahil tinignan ko na si Ully para sabihing hubarin niya na ang damit at jeans niya—well, except underwear—para makapagpalit na kami. After three minutes, si Ully na ang pasyente, at ako ang civilian.

Habang pahiga si Ully, nagreklamo pa siya. “Bilisan mo, ah! Pagbabayaran mo talaga pag kami nahuli.”

Tinulak ko na ang ulo niya. “Ako na bahala. Magpanggap kang tulog!”

“E, paano kung gisingin niya ko?!” tumaas na naman ang boses niya sa taranta. “Lawrence wag na lang kaya!”

“Hindi ‘yan! Ba’t niya ko gigisingin, e, sinabi nga ng doktor na magpahinga ako, diba? Saka si Peter ang magbabantay sayo rito. Itagilid mo nga yang ulo mo.”

Inagaw ko sa ulo ni Peter ang red beanie niya tapos sinuot ko sa buhok ko. Bago ako lumabas ng kwarto, sinuot ko ang shades ni Ully at naglakad palabas. Nahabol ko pa ang pasarang elevator kaya nakasiksik ako sa dami ng tao.

Pagdating ko sa wing ng kwarto ni Darla, bumilis na naman ang paghinga ko dahil sa pinaghalong excitement at kaba. Ilang nurses din ang nakabunggo ko dahil sa bilis ng paglalakad ko. Pagdating ko sa pinto, tatlong beses akong huminga nang malalim bago kumatok.

I was a bit shocked when Brent opened the door for me, but I didn’t say anything.

“Si Darla,” sabi ko.

Tumingin pa siya sa loob na parang nagdadalawang isip siya kung papapasukin ako o hinde. Gusto ko sanang itulak ang pinto para makapasok na ako pero sinarili ko na lang ‘yon.

“Nakita mo na ang girlfriend ko.” Napatingin siya sakin. “Siguro naman may karapatan din akong makita siya?”

Pinagbuksan niya ako nang wala siyang sinasabi. Medyo nainis pa ako nang marealize kong silang dalawa lang ang nasa loob. Bakit nila hinahayaang si Brent ang magbantay? Ex talaga? Wala na bang ibang tao? Siya na ba ang pinagkakatiwalaan nila maliban sakin? Nasaan si Josh? Dapat siya na lang.

Pero nawala ‘yong kunot sa noo ko paglingon sa pwesto ni Darla. Nakalingon ang ulo niya sakin habang ngumingiti siya nang konti. Napangiti rin ako nang di ko namalayan.

She's My Sweetest DrugTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang