A - 39

6.3K 213 23
                                    

Yuu's P.O.V

Nakakairita at ang sarap nilang pag uuntugin. Kulang na lang magpalit ang mga mukha nila.

Kanina pa ako nangingitngit dito habang pinapanuod ang dalawang tao.

Para silang hindi nagkita ng ilang buwan or taon.

Para akong tanga dito na nakatingin kay Cloe at dun sa haliparot na kasama niya na model sa billboard na nakita ko noong nag apply ako bilang secretary nito.

Tsk!

Nasa frontseat ako habang ang dalawa ay kanina pa nagkukuwentuhan sa backseat.

Kainis!

Akala ko ba business meeting pupuntahan namin?!

Pero sinundo pala namin sa airport galing France ang isang miss Sabrine Clarendon.

Kanina ko pa sila tiningnan sa side mirror.

Ang hahaliparot!

Ang lalandi!

Flirts!

Kaya hito ako magkasalubong ang kilay!

Sana iyong pagiging marketing head na lang talaga pinili ko.

Kaninang umaga kasi ay nag debate pa kami na ayaw ko ng marketing head.

Gusto ko secretary nito para mas always ko siyang nakakausap at nakakasama.

Three hours ago

Pabalyang kong hinampas ang mesa ng wifey ko.

"I told you! Ayaw ko maging marketing head! Bakit ba mas marunong ka pa sa akin?!" Naiinis kong sabi rito.

Pero alam ko mas triple ang nararamdaman ng nasa harapan ko.

"Talagang mas marunong pa ako sayo because this is my damn company!" Makikita mo talaga ang galit niya sa mukha. "FYI, ikaw dahilan kaya tinanggal ko sa company ang pangit na iyon! Kaya mag resign ka as my secretary at doon ka sa kabilang office! Ikaw pa may ganang sumugod rito sa office ko! Kung ayaw mo tanggapin ay umalis ka sa company ko! Di kita pinipigilan at kahit kilan di kita pinigilan sa mga gusto mo! Pero kung sa kompanya ko ang pag uusapan? Naku maraming tao ang mas nangangailangan ng work!" Tumayo ito tumungo ito sa isang lugar na may mga wine.

Kumuha siya at inisang lagok lang niya ito.

Pero ako? napaupo na lang ako dahil diko napigilang umiyak.

Gusto pala niya akong umalis sa company niya.

Sabagay.....

Isiniksik ko talaga sarili ko sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at tumayo.

Tutungo na sana ako sa pintuan ng may dumaan sa tainga ko na isang bagay at nabasag ito sa pintuan.

Ang glass wine.

Ramdam na ramdam ko kanina pagdaan nito dahil sa hangin na kasabay nito.

Buti di ako tinamaan.

May kakayahan pala siyang batuhin ako.

Kaya iyong pinatuyong luha ko kanina ay dumaloy ulit ito sa aking pisngi.

Kaya niya talaga akong saktan. Parang noong paninira niya ng mga flower vase nito sa sariling garden.

Ganito din iyong eksina na may itinapon siya sa gilid ko.

"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon