A - 22

7.8K 238 6
                                    

Cloe's P.O.V

Hahaha natatawa talaga ako sa ligaw thingy ni Yuu.

"Ano na naman iyan baby?" Pigil ngiti ko na tanong sa isa.

We are in cafeteria at kung maka order ng pagkain ko ay wagas.

"Ang dami dami niyan? Kaya ba natin ubusin?" Pinapakain nito ako upang may lakas daw ako sa game ko maya 1pm.

Ngumiti siya sa akin. "Para sa iyo lahat iyan." Lumaki ang mga mata ko at napapangiwi.

Diko masabi na if i eat too much ay bibigat katawan ko at di iyon pwede sa laro.

Nag simula ako kumain ng pakunti-kunti.

"Hello ladies," bati ni Javier sa amin. Sabay agaw ng foods ko at walang pag-aalinlangan na isinubo ang mga ito. "Hhmmmmm....this is soooo delicious." Tumingin pa ito sa akin na may pang-aasar sa labi nito.

"Javier! Para kay wifey iyan!" Kulang na lang ay bumuga ito ng apoy. Tapos ang isa ay nasa bibig pa niya ang kutsara na napatitig sa baby ko.

"Are you serious Yuu?" Di makapaniwala na tanong naman ng taong balasubas makakain ng foods ko. "You want her to play right?" Tumango naman si Yuu. "Then, allow me to eat this." Dahil sa sinabi ni Javier natawa ako ng malakas.

Tiningnan ako ng baby ko ng masama.

"Sige pagtawanan mo pa ako!" Bigla siyang nag walkout ng mabilis.

Hinabol ko naman ito kahit natatawa pa ako at iniwan ang PG ko na kaibigan.

"Wait baby!" Pigil ko rito na natatawa. Hindi pa din ako nililingon. Halos bungguin na niya ang mga nakakasalubong.

Pinaka kawawa ay si Zaya na talagang binunggo niya ito. Kumaway pa kasi sa akin. Ayan tuloy napala hahaha.

Napapatingin lang si Zaya sa taong mabilis lumakad.

"Iyang babae mo ayos ayusin mo kundi makakatikim na talaga sa akin." Reklamo niya.

"Ah hahaha sorry." Ako na humingi ng dispensa habang habol habol pa din ang amazona.

Sa wakas na habol ko din.

"Wait baby!" Sabay hablot ng braso nito. "Can you listen first. Nakakapagod din mag habol."

"Ah ganun?! Napapagod ka? Sino ba nagsabing humabol ka? Kung nagrereklamo ka ay sana di kana naghabol. Alis! Naiirita ako." Nakapamaywang ito at kung makataboy sa akin ay parang isa akong munting hayop na itinataboy ng amo.

Napapailing lang ako. Aalis na naman ito kaya nagsalita na ako...... "sige subukan mo umalis kundi di kana makakaligaw." Banta ko rito. Napahinto naman ito sa paghakbang. Pero imbes na mabahala ang isa ay naging amazonang dragonisa ito.

"Sige! Subukan mong di magpaligaw sa akin." Dinuro ang mukha ko at sinabayan pa ito ng irap.

Napatanga ako rito at napapasunod na lang dahil siya na humila sa akin.

Di na ako nagsalita at habang hila ako ng amazona ay napadaan kami sa harap ni Chris.

"Hey s...." di niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang hinarap ng isa.

"Try to talk to my wifey and you're dead!" Banta niya na ikinagulat naman ng kapatid ko.

"Woah! I just need to talk to Cloe. Nakataas ang kamay nito na parang sumusuko at diniinan ang pagbanggit ng pangalan ko. "But i think this is not the right time." Natatawang sabi pa niya.

"My Amazona" (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat