A - 10

8.9K 270 5
                                    

Cloe's P.O.V



"Good morning Travis!"

"Oh! the heir of BIU!"

"Yah! if I'm not mistaken his sister don't have any interest in BIU."

"Hello!"

"I love you Travis!"

"Hi Travis!"

"OMG, is that Travis Christopher?!"

"The heir is here!"

"Wow! He's so handsome!"

"I can be your girlfriend Travis!"


"Siguro maganda din kapatid niya na babae." Tili ni Kimmy sa tabi ko.

"My G! Papalapit siya sa akin!" Tili naman ni Averi.

"Hindi, sa akin siya papalapit!" Di papahuling sigaw ni Jessica.

Pero sa kamalasan ng karamihan at sa dinami dami ng babaeng nagpapacute sa kanya ay sa akin siya huminto at binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti. Pero alam ko ang ngiti na iyon. Tipong may pang aasar na ngiti na alam ko ako at siya lang may alam kung bakit. Tapos bigla akong nakatikim ng kurot sa isa ko pa na katabi.

Sino pa ba? Of course ang babaeng walang pahinga. Si Kuratcha este! si Yuu na ang sama ng tingin sa akin.

Hahaha. Kung alam lang niya. At ang pahamak na lalaki na iyon ay makakatikim siya sa akin. Lintik lang ang walang ganti.

"Wifey, gutom ako. Bilhan mo ako ng pizza." Malambing na bulong sa akin ni Yuu.

Tinaasan ko ng kilay. "Pagkatapos mo akong kurutin?"  Kunwaring nagtatampo ako sa pagkurot niya.

Kasalukuyan kasi kaming naka upo sa isang bench ng dumaan ang Christopher na iyon.

"Bibili ka or bili ka talaga?" Walang choice na sabi niya. Na parang nagsasabi na naman ang mga mata niyang nakangiti kuno pero may demonyang nakatago sa ngiti na iyon ng "sige wag kang bumili kundi makakatikim ka sa akin." Hayst! Buti sana kung ang gusto kong matikman ang ipapatikim niya sa akin.

"Anong flavor gusto mo?" Malambing na tanong ko na lang dahil mahirap na. Baka ano gawin ulit niya.

Nilingon ko siya at muntik ng magtama ang mga lips namin. Bigla niya kasing ipinatong sa balikat ko chin nito. Napatitig siya sa labi ko at ganun din ako. Napapalunok ako ng sunod sunod. Kakaiba ang nararamdaman ko now kumpara sa dati. Iyong feeling na para kang sinisilaban ng apoy at gusto mo ng malamig na malamig na tubig. Umaasang baka sakaling mapawi nito ang uhaw na iyong nadarama. Pero ika nga sa isang palabas always may balasubas na pumuputol sa isang magandang eksina.

"Cutiepie, sama ka sa amin manuod ng baseball game now." Aya sa akin ni Sheera kasama ang dalawang alipores nito. Captain ito ng softball. Sa dorm lang din ito namamalagi kaya kilala ko ito kahit senior namin siya.

"Yes, that is a g....... aray!" Diko man lang natapos ang sasabihin ko dahil nakurot naman ako sa tagiliran.

Lumingon ako sa salarin na irap ang natanggap ko. "Baka nakakalimutan mong may gagawin pa tayo." Sabi ng salarin na walang iba kundi si Yuu.

"A-ah eh. Oo nga pala Sheera may lakad kami." Nauutal kong sabi dahil baka mag maldita pa lalo ang katabi ko. Baka di lang kurot matamo ko. Lalo't nakasimangot ito. Pero sa totoo lang ay wala talaga kaming lakad. Ewan sa isa na ito.

Tulad ng inaasahan ko ay wala talaga kaming lakad. Nadatnat namin si Lee na nagbabasa sa kama nito

"Hey guys." binaba niya ang binabasa.

Dumating siya noong isang araw. Himala nga at may konsensya pa siyang magpakita at pumasok sa regular class niya.

Wala pang bumabangon sa amin

"Balita ko may binasted ka naman na lalaki?" Sabi niya na naka smirk. Alam ko naman ang tinutukoy niya eh.

"Diko kasalanan na umasa sila." Baliwalang turan ko.

"Kasi pinapaasa mo." Sagot sa akin ni Yuu na diko namamalayan na nakapagpalit na pala ito ng damit.

"Sadyang assuming lang sila." Tanggol ko naman. Parang alam ko na ano mangyayari eh.

"Magiging assuming ka kasi kapag may nakikita ka." - Yuu.

"Hindi lahat ng nakikita ay totoo." - me.

"Totoo dahil iyon ang ipinaparamdam mo."

"Nararamdaman mo dahil iyon paniwalaan."

"Pinapaniwalaan mo dahil hindi ka manhid."

"Kung minsan kasi dapat nagpapakamanhid ka para hindi ka masaktan."

"Nasasaktan ka kasi nagmamahal ka."

"Hindi lahat ng pagmamahal ay wagas."

"Iyan ang sinasabi ng mga taong di naniniwala ng forever."

"Bakit ako maniniwala sa isang bagay na may katapusan?"

"At saan ka naniniwala? At least may simula."











"Eternity!"


Magsasalita na sana pabalik si yuu ng biglang sumigaw at nag sign ng stop si Lee.

"Ano ba ang ipinaglalaban niyong dalawa?" Mataray nitong sabi.

















"Wala!"






*****


Nicolette0810




"My Amazona" (COMPLETED)Where stories live. Discover now