A - 21

8.3K 258 9
                                    



Yuu's P.O.V




After what happened in our classroom at mabulabog nina Zoe sa halikan namin kanina.

Sumama ang mga ito sa dorm upang doon mag snack.

Umorder lang naman kami then umalis rin ang ito agad.

Kaya kami na lang naiwan na dalawa na parang mga tanga at pipi na di alam ano sasabihin sa kasama.

Naka upo lang kami sa couch at nakakatunganga.

I don't know what to say kasi. My heart beat fast na naman. Always like this pagkasama ko siya.

Tapos itong isa wala rin sinasabi.

Nakita ko ang remote sa harap namin sa may center table. Kaya naisip ko kunin upang may maingay sa room.

Successful ko itong naabot, ngunit napatingin ako sa aking kamay dahil may nakadagan rito na isa pang kamay.

Napatingin ako sa nag mamay-ari nito.

Our eyes met at nag staring contest. Pareho kaming napapatingin sa lips ng bawat isa. Tapos lilipat ang mata sa mata ng kaharap. Until sa unti-unting lumalapit ang mukha namin pareho.

Hanggang....

sa may istorbo na naman na isang tunog.

Tunog ng ringtone.

Bigla kaming nagising at napalayo sa isa't isa. Si wifey ay kita ko ang pagbagsak ng puwit nito sa carpet. Sa sobrang taranta nito ay nadulas sa sofa at ako naman ay nabangga sa mesa dahil mababa lang naman ito. Napapikit ako and i bite my lips upang hindi mapasigaw sa sakit. Nakakahiya kaya iyon. So, kunwari di ako nasaktan kaya naglakad lang ako pero medyo nagmamadali na akong pumasok sa banyo upang hanapin ang medicine kit. Pagkarating ko ay doon ko nailabas ang impit na tili dahil sa hapdi ng binti ko. Oo, ang binti ko ang naitama sa mesa. Buti di nabasag ang glass nito. Damn! Ang sakit kaya! Napapasapo ako at iniihipan ito upang mawala ang kunting hapdi.

Tumayo ako isinandal ang aking katawan sa wall to calm my self.

Di pa ako nakakailang minute ng bumukas ito at iniluwa nito si Cloe.

Na bigla ako sa sunod na ginawa niya. She grab me ang kiss my lips na para bang na mimiss niya ito. Mapusok mga halik nito.

Si ako naman ay mapusok din itong tinugon. Mas maalab at mas mapanghanap.

Iyong halik niya kanina na mapusok ay unti-unting naging banayad.

She stopped at tinitigan ako sa mga mata habang nakangiti ito. She kissed me sa forehead.

"Ok na ba ang binti mo?" Tanong niya na ikinapula ko.

"Huh?" Paano niya nalaman na masakit ito.

"I know, nakita kitang medyo nagbago paglalakad mo kaya alam ko iyong tanga na mesa ang may kasalanan. Alisin natin iyon." Seryuso nitong sabi.

"O-okey." Tanging nasabi ko.

Inalalayan niya ako pa labas ng banyo.

Kumuha ito ng cold compression at inilagay sa binti ko na may munting pasa.

Napangiti ako dahil habang nakadampi ang compression ay nakakunot ang noo at parang may sinasabi na diko maintindihan.

Ng matapos ito ay tumabi siya sa akin. Humiga kami sa kama at magkaharap.

Kung kanina ay para kaming mga tanga at pipi na di nag uusap habang magkatabi.

Ngayon ay para kaming mga baliw at pipi na nakatitig sa bawat isa at ang lapad ng mga ngiti.

"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon