A - 12

8.3K 285 10
                                    

Yuu's P.O.V

"Ano babe? Ok na mata mo?" Nag aalalang tanong sa akin ni Emir.

Sabay kami nag jogging dahil tampo pa ako kay Cloe.

"Hey, are you okey?" Nagsnap sa harapan ko si Emir dahil napatingin ako sa may likod niya. Pakiramdam ko may nakatingin sa amin kanina. Ahm... Nagmamalikmata lang siguro ako.

"Yes, I'm ok. Thank you." Ngumiti ako sa kanya. "Btw, may ganitong lugar pala sa school na kay ganda."

"Ooooppsssss...." biglang napatutop sa bibig si Emir na ikinasimangot ko. "Damn! Nakalimutan ko sabihin Yuu na off limits ang garden na ito." Bigla niya akong hinila na para siyang nataranta at halos makaladkad na ako. "Patay tayo nito." Sabi pa niya.

"Sandali nga lang muna Emir! Pag d'mo ako binitawan makakatikim ka talaga sa akin!" Pagalit ko na sabi ng makaalis kami sa magandang lugar na iyon. Huminto naman ito agad. Pinamaywangan niya ako at magkasalubong ang makapal nitong kilay. "Di kita gets, ok? Bakit off limits ang lugar na iyon? At bakit parang bigla kang nabakla jan? Kulang na lang madapa ako sa kakahila mo sa akin!" Sunod sunod na sabi ko at inismiran ko ito.

"Gaga! Bawal ang kahit sinong students ang pumunta sa lugar na iyon ng walang pahintulot ni miss El Fuergo. Iyong kapatid ni Travis. Dahil every time na dito daw iyon ay iyan ang tambayan niya. At girl! Wala pang nakakakita or nakakakilala sa kanya. Tapos iyon na nga binibigyan niya ng parusa ang sino mang nakakarating doon." Mahaba haba nito sabi. "Kaya patay tayong dalawa."

"Bakit? Di naman natin sinasadya. Pwede naman sabihin natin iyon. Or dahil baguhan ako kaya naligaw ako doon at nakalimutan mo. At higit sa lahat nagandahan ako sa lugar na iyon." Proud kong hayag.

"Mag isa ka! Dahil kahit baguhan ka sa school na ito ay di niya pinapalagpas. Dahil saksakan ng kamalditahan ang babaeng iyon. Tapos kakaiba siya magbigay ng parusa. Kaya maghintay na lang tayo ano mangyayari sa atin Yuu." Nag aalalang sabi nito.

"Teka nga muna. Wala naman siguro tayong nasira sa lugar na iyon ah! Halika ka, samahan mo ako sa office ng OIC President dahil magpapatulong tayo upang magpaliwanag kay...... ano nga ba name ng kapatid ng Travis na iyon?" Kahit naiinis ako sa taong iyon dahil sa pagpapansin niya sa wifey ko ay kailangan ko makausap. Di ako sanay bigyan ng parusa dahil behave naman ako buong buhay ko. At simple lang ginawa namin at siguro di niya ikamamatay na naligaw kami sa garden nito. Masisi ba niya kami na sobrang ganda ng lugar.

"As if naman makakatulong sayo ang Travis na iyon. Under kaya iyon ng ate niya sa pagkakatanda ko. Mas nasusunod ang decision niya. Spoiled kasi sa parents nila."

"Akala ko ba wala pang nakakakilala sa kanya. Eh kung makasabi ka jan parang kilala mo iyong tao."

"Iyon na nga eh. Di pa namin nakikita pero sobra siya magbigay ng parusa. Alam ng bawat students dito. Siya daw ang gumawa ng new rules and regulations ng school four years ago. So, technically ay dipa ako nakakarating dito ay may ganito dito. Mas lalo pa nga dumami ang students dito simula ng maimplement ito. Siya ang may utak ng lahat ng bagay at ang gumagalaw ay ang kapatid niya." Sabagay nakakailang buwan pa lang ako dito.

"Sa maikling salita pala ay masamang tao siya?"

"You can say that. Pero mas marami kang maririnig na magagandang ginawa niya. Dahil patas siyang magbigay ng parusa. Maliban sa pagtrespassing ng garden niya. Ewan ko nga ba ano mayrun sa garden na iyon. Sabagay maganda at unique ito  dahil ang perfect ang pagkakalanscaping nito pati iyong mga ornament plants ay magaganda. May water falls pa sa dulo. Malawak ang garden at may green house. Mayroon din siyang tree house sa gitna at napapalibutan ng cctv. Parang ang motto ata sa buhay ng taong iyon ay galawin muna ang lahat. Wag lang ang garden ko." Mahaba na naman nitong sinabi na sinabayan pa ito ng malakas na tawa dahil may diin ang huli niyang sinabi. Baliw talaga. Tsk!

"Alam mo ang gulo mo?" "Tulad ni author. [A/N - di namay mo pa ako -.- tsk!] Paki ko." Sabi ko sa kanya na naiinis na.

"Ay basta iyon! Malalaman mo lang iyan kapag naibigay niya na ang parusa sa ating dalawa. Sana di mabigat dahil kahit naligaw lang tayo doon ay expect the unexpected sa taong iyon." Tsk! "Halika na dahil may klase pa tayo at dalawang oras na lang naiiwan sa atin." Aya na sa akin ng bruha.

Naghiwalay na kami ng daan na tinahak dahil magkaiba ang dorm ng boys sa girls. Tapos bawal pa ang boys or girls pumunta sa mismong dorm ng bawat isa.

Si Lee lang naratnan ko sa Kuwarto namin. Nakaligo na ito at nagbibihis.

May hinahanap ang mata ko. Kahit nagtatampo ako sa kanya ay na miss ko na siya agad. Sobra sobra kung alam lang niya. Maisip ko pa lang siya ay mabilis na naman tumahib ang puso ko. Bakit ko ito nararamdaman sa kanya. The last time i checked my self ay mga lalaki ang exes ko. Never ako humanga sa babae. Pero bakit pagdating sa kanya iyong tuwid na daan na tinatahak ko ay bigla ako napunta sa palikong daan. Napapailing ako sa isip ko.

"Kung si Cloe hinahanap mo ay kanina pa iyon sa campus ground." Sabi nito na di tumitingin sa akin.

"Ah eh, g-ganun ba. Damn! I stammered. "Sige maliligo na ako." Paaalam ko sa kanya. Pero dipa ako nakakahakbang ng kinuha na nito ang attention ko.

"Pareho ko kayong bff ni Cloe. Pwede mo din ako pagkatiwalaan Yuu sa mga saloobin mo at alam mo iyan. Ikaw ang mas nauna kong nakilala pero mas mas matagal ko siyang nakasama. Pero hindi ibig sabihin noon ay siya or ikaw ang kakampihan ko. Maghihintay ako na kayo mismo ang magkuwento sa akin. Dahil diko namamalayan na nawala lang pala ako ng tatlong buwan ay marami ng nangyayari na diko alam pero ayaw ko kayong pangunahan." Makahulugan nitong sabi. "Don't worry dahil sinabi ko din ito sa kanya." May pagkamaldita na niyang wika.

"H-how can you say that?" Tinaasan ko siya ng kilay para mapagtakpan ang biglang kaba ko. Maldita kaya siya at spoiled sa lahat ng pinsan niya.

"Aarrggg....same question." Na pa eye roll na sabi niya bago ako sinagot at tiningnan sa mga mata. "Kilan pa napalakas ang tawa ng isang Yuu? Kilan pa naging madaldal ang isang Yuu? Kilan pa naging maldita ang isang Yuu? Kilan pa naging possesive ang isang Yuu? Kilan pa naging papansin sa isang babae ang isang Yuu? Kilan pa naging matakaw sa fries at pizza ang isang Yuu? Kilan pa naging maton ang isang Yuu? Kilan Yuu? Dahil ang kilala kung Yuu ay opposite ng lahat ng mga iyan." Mataman pa din siyang nakatitig sa akin.























"Since i met her."




*****




Nicolette0810







"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon