A - 32

8.4K 217 3
                                    

Yuu's P.O.V

"I told you to marry my tomodachi,s granddaughter! Not this woman!" Galit na galit na sabi sa akin ng aking Ojiisan.

Napasugod ito agad sa New York ng malaman na kasal na ako. Kaya hito pinauwi ako sa bahay.

Noong isang araw lang kami natapos sa campaign at iyong tungkol kay Amber ay ewan. Umalis pagkatapos nilang mag usap ni wifey.

Tapos iyong apat na may mga hawak na baril ng gabing iyon at sinicure ang area ay dipa nakakapagpaliwanag.

Asawa ko na lang daw bahala roon.

Balik tayo kay ojiisan.

Sabi ko kasi kina dad and mom na ako magsasabi kay ojiisan. Kahit sila dipa nila na memeet si wifey.

"Ojiisan." Nakapout na sabi ko dahil close naman kami nito pero sineryoso pala iyong sinabi niya sa akin na ipapakasal niya ako sa apo ng kanyang friend at kasosyo sa iba pa nitong business.

Pero si Cloe kalmanti lamang itong umiinom ng orange juice habang naka cross legs ito sa sofa.

Napadako tingin ko sa kanya at ang buwesit nginitian lamang ako.

"Sofu.... i mean ojiisan." Napapailing na sabi ng wifey ko. "Your mago is in good hands." Nakangiti na nitong sabi at nag wink pa sa akin.

Opposite kasi kami ng kinauupuan habang hinihintay sina mom and dad.

"What is your name?" Biglang tanong ni ojiisan na nakakunot ang noo.

"Cleo." Tipid na sagot ni wifey ngunit mababanaag mo ang amusement sa kanyang mukha.

Halos mamatay na ako sa kaba at galit naman si ojiisan ay siya na aamuse lang.

"Sounds familiar." Mahinang sabi ni ojiisan at umupo ito sa isa pang bakanting upuan na napapatingin sa asawa ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko at si mom ang tumatawag.

Nag aalangan akong sagutin ito dahil maiiwan ko si wifey kasama ang tupakin ko na ojiisan.

Kinakabahan ako dahil baka ano gawin niya sa asawa ko.

Wala pa kaming anak kaya naku wag niya masasaktan ang ito dahil.....dahil....dahil....hayst! Diko na ipagluluto ng pizza si ojiisan. Adik pa naman iyon doon.

Napatingin sila sa akin dahil nakatitig lang ako sa cellphone ko. Pareho pa talagang nakakunot ang noo at parang nagsasabing sagutin mo dahil maingay.

Iniwan ko na lang sila at bago ko iyon gawin ay nagwink at flying kiss pa sa akin ang wifey ko na ikinapula ng mukha ko.

Dina nahiya kay ojiisan pero hehe kinilig ako doon kaya napapakagat ako sa aking labi ng sagutin ko tawag ni mom.

"H-hi m-mom...." bati ko sa kanya.

"Where is your ojiisan?" Tanong nito sa akin na may pag-aalala dahil kilala niya si ojiisan na tupakin tulad ko.

"She's with my wife." Saad ko rito na nag aala pa din dahil baka ano na ginawa ni ojiisan sa asawa ko.

Mabilis din natapos ang usapan namin ni mommy.

Malelate daw sila ni dad dahil may meeting pa silang importante.

Kaya agad akong bumalik sa sala dahil baka naga gyera na sila doon.

Tapos laglag panga ko ng makita ko silang nagkakatuwaan sa pag uusap.

"Hahaha really ojiisan?" Tawa tawang sabi ni wifey. "Na uh! If you taste my pizza you will forget your first love." Sabi pa niya at ako ay nagtataka dahil di ata na limang minuto pagkakawala ko ay close na sila agad.

"My Amazona" (COMPLETED)Where stories live. Discover now