A - 1

23.3K 426 30
                                    

Cloe's P.O.V

"Eeeehhhh.... Clo now ko ipapakila sayo ang bestfriend ko noong elementary". Tili ni Leandra or Lee habang hinihintay ang bff daw niya. "Nasa apartment na daw siya". Partners kasi sa negosyo ang parents nila kaya kahit sa elementary lang sila nagkasama ng matagal eh paminsan minsan ay nagkikita din sila. Tapos kami naman ay sa high school hanggang ngayon. Siya lang din nakakatiis sa kamalditahan ko minsan. Tapos minsan ang daldal din nito. Siya lang din nakakakilala sa akin ng lubos. Iyong mga kahinaan ko at higit sa lahat ang pagiging femme ko.

One of the boys ang tawag nila sa akin dahil ewan ko sa mga tao na iyon. Di naman ako boyish pero ginagawa nila akong lalaki kaya siguro hito naging pusong lalaki na din ako. Simple naman ako at friendly kahit may tupak minsan.

Kasalukuyang pabalik na kami sa tinutuluyan naming dorm kung saan nasa premises ito school.

Separated ang dorm ng boys sa girls. Bawal ang boys pumunta sa dorm ng girls at ganun din ang girls sa boys.

Iyong room namin ni Lee ay nasa 5th floor ng dorm. Iyong room namin ay ang pinakamalaking room sa buong building at may dalawa itong kama na ipinasadya ni Lee upang magkasama kami sa iisang room. Malawak ang sala at ang kitchen area na andun na din ang dinning.

King size ang bed namin. Pero dahil nga darating bff niya ay pinakiusapan niya ako na isama namin sa room ito. Dahil sa nabait din ako na kaibigan ay pumayag na ako. Kaya makakadagdag kami ng isang kama na double size naman at napagkasunduan namin na dun ako at sila ang magtatabi sa king size bed na iyon. Malawak pa naman ang room namin kaya kasya pa iyong bed na sinasabi ko.

Iyong ibang mga rooms sa dorm ay malalaki din at sinigurado ng pamunuan ng building na maganda ito. Iyong tipong di magsisi ang gagamit doon.

Puro mayayaman ang nag-aaral dito. May mga scholarship naman din silang ibinibigay sa mga taong masisipag at matatalino.

Mahigpit din ipinagbabawal ang bullying dito sa school. Tinutukan ito upang mas tumaas ang quality ng BIU. Pero sadyang may mga pasaway nga lang na mga students specially ang mga richkid na wala magawa sa buhay.

Dahil sa maganda ang pamamalakad sa British International University (BIU) ay minor incidents lang ang ngyayari.

Maraming nag-aaral dito dahil sa ibinibigay nilang quality education kung saan masusulit ang bayad ng mga students.

Kahit iba't ibang lahi andito nagtatagalog kami ni Lee at sabi naman niya ganun din daw iyong Yuu na iyon. I'm Filipino-British nga pala. Magkaedad lang kami ni Lee.

Tapos ayon sa kadaldalan ng babaeng kasama ko ay iyong Yuu na iyon ay isang Japanese - American ang nanay at fil-am naman ang tatay kaya mas nangingibabaw ang pagiging Amerikana niya. Ohh? Diba ang daldal niya kasi alam ko tungkol doon sa bff niya at ito pa. Saksakan daw ng pagka playgirl iyon at kaliwa't kanan ang boyfriend. Tsk! Siya na ang dakilang tsismosa.

"Hi babe, salamat nga pala sa pag ayos ng sandal ko ha? Gosh! If wala ka kahapon ay baka dina ako nakauwi ng matiwasay dahil matagal na akong bumulagta sa kahihiyan". Sabi ni Zia ng makasalubong namin siya sa hallway.

"Hahaha sa susunod kasi wag mo ng pagtaguan ang mga fans mo". Natatawang turan ko kasi ba naman sa ganda niya ay habulin ng babae at lalaki.

"Masarap kayang maging habulin". Sabi naman ng katabi kong si Lee. Palibhasa nag momodel siya minsan kasama ang pinsan nito si Kea. Parang sinisilaban mga puwit ng tao dito pagnakikita siya. Sila na ang maganda.

Maganda naman din ako at madami din nanliligaw sa akin na mga boylets. Duh! Bakit ko sasagutin kong parehong putahi ang gusto naming kainin. Hayst!

"Basta, thank you". Ngiting sabi ulit ni Zia bago kami nagpaalam sa isa't isa at isang matipid na ngiti ang isinagot ko sa kanya.

Maya maya biglang tumunog cellphone ko.

"Besh, I'm sorry mauna kana sa dorm dahil may lakad ako. Si dad kasi pinapatawag niya ako so bukas pa ako makakarating". Sabay beso at alis ko na dipa siya nakakapagsalita. Tsk!

*****

Hayst! Late na ako sa klase namin.

Si dad kasi at mom ang kukulit. Sabi naman na wala pa akong girlfriend eh. Iyon lang pala ang dahilan kaya pala nila ako pinauwi sa bahay. Alam na nga nilang kahit pusong lalaki anak nila ay hindi out sa labas kasi ayaw ko lang. Maliban kay Lee ay alam ng parents ko at nag-iisang kong kapatid na lalaki ang pihikan ko na puso. Dahil sa mahal nila ay open arms nilang tinggap ang sexual preference ko. Pero sa ibang tao ay naku sobra ang pagtatago ko sa makapal na pader. Wala pa kasing nakakapukaw sa natutulog kong puso. May mga exes ako pero lalaki haha. Pakitang tao ko lang kasi iyon dahil sa takot na baka masaktan siguro ako.

Sa school naman madami akong crush na babae pero hanggang crush lang talaga.

Nasa tapat na ako ng room dahil late na naman ako. Hehehe sanay din teachers and classmates ko dahil always akong late. Pero kahit ganun ay matatas din naman mga grades ko.

Pagbukas ko ng pinto ay mukha ng teacher kung bulldog ang sumalubong sa akin na nakasimangot.

"Goodmorning bul-Mr Thomas". Bati ko sa prof namin na muntik ko ng matawag na bulldog. Don't get me wrong naman guys ee sa mukha naman talaga siyang bulldog. Hay umandar na naman pagiging bully ko minsan.

"There's no good in the morning miss Greyson specially when it is afternoon". Nagtawanan mga classmates ko sa sabi ni bulldog.

"Ohh! My bad. Maybe I'm in a wrong planet". Pamimilosopo ko pa na mas ikinatawa ng mga damuho kung mga klasmet. Malay ko bang afternoon na pala. Kaya pala siya ang nasa room haha now ko lang naalala na pang hapon pala siya.

Pumunta ako sa tabi ni Lee pero dipa ako nakakaupo ng tawagin ako ni bulldog.

"Miss Greyson, because you're early bird can you answer this problem if you don't mind?" Dahil gaya ng sabi ko may utak naman din ako ay diko pa naibaba ang bag ko na cute kulay blue ay sinagutan ko ang problem dahil yakang yaka ko kaya ang math at paborito ko ito.

Walang yabang na babalik na sana ako sa upuan ko ng makita ko ang katabi ni Lee na isang magandang babae na mataman nakatingin sa akin. Bakit diko siya nakita kanina. Wala man lang kasamang smile kung makatingin sa akin. Para siyang dyosa kahit walang emotion mga mata nito na kulay tsokolet.

"Do you mind if you set down miss Greyson?" Napukaw lang pagkakatitig ko sa babaeng titig na titig din sa akin. Kinindatan ko ito na ikinagising din ng diwa niya dahil sa pakikipag staring contest sa akin. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Haha cute.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong agad sa akin ni Lee na sinagot ko lang ng kibit balikat. "Siya nga pala si Yuu. And Yuu siya iyong sabi ko na bff ko din na si Cloe". Pagpapakilala sa amin ni Lee sa isa't isa. Nag wave lang ako sa kanya. Maya ko na kikilalanin or marami pa namang araw para makilala ko siya.

Pero isa lang nasa utak ko na ikinakangiti ko. Magiging maganda ang pangyayari sa buhay ka susunod na mga araw.


*****

Nicolette0810

"My Amazona" (COMPLETED)Where stories live. Discover now