A - 7

9.5K 308 33
                                    

Cloe's P.O.V

"Wifey, tulungan na kita jan." Offer sa akin ni Yuu dahil diko ma zip ang denim shorts ko.

Na lock kasi siya dahil sa damit ko. Minsan talaga may pagka clumsy din talaga ako.

"Sige, kasi kanina pa ako dito eh." Sabi ko na nagpout.

Pa go kami sa pool party ni Jessica.

"Ano ba kasi minamadali mo kanina at bakit nalock ito?" Sermon niya sa akin pero di ako nakasagot.

Bakit?

Ipinasok niya kasi bigla sa loob ng shorts ko kamay niya para maalalayan ang pag zip. Tapos bigla doon niya hinila ang zipper pataas kaya ang ending ay pinamulahan ako.

Bakit ulit?

Iyong back kasi ng kamay niya

ay......

na touch ang harapan ko sa baba.

Alam niyo iyon saan sa baba.

Tapos iyong tipong paghugot niya ng kamay niya ay napahablos iyon sa alam niyo na.

Shiiittteee.....

"Ayan tapos na. Sa susunod wag magmadali at mag ingat." Paalala niya sa akin pero di ata napansin na tulala ako. Ang init ng pakiramdam ko.

"Uy? Ok ka lang?" Pukaw niya sa akin kaya napatalikod ako sa kanya at napapikit dahil makikita niya ang pamumula ko. Kunwari inaayos ko ang kama ko.

"O-oo, ok lang ako. T-tara na." Napakagat ako sa lips ko dahil sa pagkaputol putol ng sinabi ko.

Kailangan ko ng umalis dahil baka hindi sa pool party mapuntahan namin. Baka maligaw kami sa ibang party dahil sa kahalayang nasa utak ko now.

Shit!

"Uy! Balahurang babae na ito. Wait!" Sigaw niya dahil nauna na akong lumabas sa dorm.


*****

"Wifey, di ako marunong lumangoy." Kumapit siya sa leeg ko.

Sabi nga pala ni Lee bantayan ko daw ito kay di nga daw marunong lumangoy. Nagka-usap kami sa phone kanina bago lumusong sa pool.

"Mababaw lang naman ang pool kaya halika turuan kitang lumangoy." Aya ko sa kanya.

Napapangiti ako dahil para siyang tuko kong maka kapit sa akin.

"Basta wag mo ako iwan ha? Lagot ka sa akin." Aba ang bruha may gana pa magbanta.

Lunurin ko kaya ito. Hahaha lunurin sa pagmamahal ko? Pilya kong sabi sa isip.

"Ano ngiti ngiti mo jan?! May balak kang lunurin ako nuh?" Sabi niya na panay ang irap sa akin. "Lagot ka talaga sa akin pag iniwan mo ako dito."

Nagpokerface ako dahil sa kabalahuran ng pagiging amazona nito.

Maya maya habang nag su-swimming lesson kaming dalawa ay naka lapit sa amin si Emir kasama si Andrian.

"Hi girls." Bati nila sa amin at ngiti lang na tipid sinagot ko pero ang amazona ay inirapan si Adrian.

Ng malaman niyang ex ko iyang isa kahapon ay almost di na niya ako pansinin.

Baliw talaga!

"Babe, ako na magtuturo sayo maglangoy." Aangal pa sana ako ng bumulong sa akin si Emir. "Walang talu-taluhan Cloe,girlfriend ko iyan." Ng dahil sa sinabi niya ay natigilan ako.

Reality hits on me!

Pag-aari nga pala siya ng taong malapit sa akin.

Ni hindi ko nga alam ano nararamdaman niya para sa akin.

Pareho ba ng ipinapakita niya ang kanya nararamadaman?

Or sadyang ganun lang talaga siya sa akin.

Baka wala lang sa kanya lahat ng mga iyon.

Magkaibigan lang kaming dalawa.

May mahal na siyang iba at si Emir iyon.

Sukat doon ay di maipaliwanag na lungkot ang aking naramdaman.

Kaya ang ngangyari sila ang nag swimming lesson. Umupo na lamang ako sa gilid ng pool.

Tinatanaw ang masaya nilang  harutan.

Napabuga ako ng malakas dahil sumisikip ang dibdib ko.

Maya maya may naramdaman akong tumabi sa akin.

"Poor Cloe." Napalingon ako sa taong nagsalita. "Your such a naive." Tumawa siya ng bahagya.

Kumunot ang noo ko ng mapagtanto ko kung sino.

"Zaya?"

Nagulat ako ng bigla niya akong siilin ng halik.

Itinulak ko siya ng bahagya dahil sa kapangahasan niya.

"Ano ba Zaya! Bakit d'mo makita na ayaw ko sayo?" Walang emotion na sabi ko sa kanya. "Alam mo na kaibigan lang maibibigay ko sayo. Higit sa lahat," i paused "puro ka laro."

"Laro? Kilan pa ako naglaro? Ikaw lang nagsabi niyan. Ang sabihin mo, you liked my kiss. Don't deny it." Nakangisi niya sabi. "Dahil kung hindi ay kanina mo pa ako sinampal." Hinila niya ako pababa sa pool. Napasunod naman ako dahil sa mapang akit niyang titig.

Gabi naman kaya wala ng gaanong makakakita kung ano man gawin ko sa ilalim ng pool.

Ikinawit niya ang kamay sa batok ko at hahalikan sana ng magsalita ulit ito. "You can have me. Right now right here." Mapang-akit niyang sabi. Pero bago pa niya tuluyan mailapat ang labi ay ako na ang kusang kumalas sa kamay na nakakapit sa batok ko.

"Di kita type. I will not deny that you're irresistible and beautiful. I'm not naive tulad ng inaakala mo." Bumulong ako sa kanya. "Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Pero hindi ka kasali doon." Ngumisi ako sa kanya at bumulong ng mapang-akit. "Pero kung ang hanap mo ay pampainit ng katawan kaya kong ibigay iyan." May gagawin sana akong pilya ng may isang braso ang humila sa akin.

"Tapos na ba kayong maglandian jan?" Sabi ng babaeng humila sa akin na parang umaapoy ang mata sa galit? Nakita kaya niya paghalik sa akin ni Zaya?

Hinila niya ako kina Lucas na nagkakatuwaan.

Kinuha niya ang katamtaman na salbabida na duck style na pinaglalaruan ni Averi sakyan. Malaki kasi ang pool kaya kasya kaming lahat at maluwang pa.

"Pasakayin mo ako jan Cloe at punta tayo sa malalim na bahagi." Utos at hindi paki na sabi niya sa akin. Tapos binanggit pa name ko.

Kaya sinunod ko na lang dahil para siyang mangangain ng tao sa hitsura niya now.

Itinutulak ko ang salbabida sa may malalim na bahagi ng pool ng bigla siyang mag salita.

"Sa akin mo gawin ang gusto mong gawin kay Zaya kanina." Sabi niya sa malambing na tono habang nakatingin sa mga mata ko.

Nakipagtitigan ako sa magandang nilalang na nasa harapan ko.

Simula pa kanina ng masilayan ko ang magandang hubog nitong katawan sa suot na red two piece ay halos tumulo laway ko. Pati mga lalaking nasa paligid.

Makikita mo sa mga makasalanang mata namin ang paghanga.

Bumaba ang nilalang na mataman pa din nakatingin sa akin at ikinawit ang kamay sa aking batok habang ipinulupot ang dalawang legs sa bewang ko.









"Gawin mo."




****

Nicolette0810

"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon