A - 11

9.1K 289 29
                                    

A/N - sorry for my last chapter if lame po ang story. Inaantok ako habang nag tina-type ko siya at biglang na post. Diko tuloy na edit dahil tuluyan na akong nakatulog. Hahaha

Kaya sana makabawi po ako dito.

Thank you po sa mga naghihintay ng update ko.

Next Chapter po ang P.O.V ni Yuu.

Kaya para muna sa inyo ito.

*****

Cloe's P.O.V


"Wala."

Sagot ni Yuu. Pero may bigla akong napansin sa kanyang mga mata.

"Oo nga naman. Ano ba ipinaglalaban namin at bakit kami nakaabot sa ganung sagutan. May pinaghuhugutan lang siguro siya at ako." Sabi ko sa isip.

Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa may couch. Tapos ayon ang bruha at naglalaro na naman. Ewan ano iyong nilalaro niya. Diko makita eh. Pero para siyang gigil na gigil sa nilalaro, if may nilalaro nga ba. Dahil pakiramdam ko parang tao ang turing niya sa hawak na kulang na lang ibalibag niya sa pader. May mga ibinubulong siya na diko marinig dahil malayo pwesto namin ni Lee sa kanya. Tumabi kasi ako sa babaeng nagbabasa.

Naligo na lang ako kesa ma stress.

After an hour ay tapos na akong maligo. Nagbihis na din ako dahil may lalakaran pa ako. Pampa anti-stress. Pakiramdam ko nitong mga nakaraan na araw or e- rephrase natin. Simula ng dumating si Yuu sa buhay ko ay nawalan na ako ng night life. Iyong mga kadalasan na ginagawa ko ay nabago. Iyong dating ako ay nawala.
Diko din maintindihan ang sarili kung bakit. Kaya nakapagdesisyon ako habang naliligo na dumalaw naman ako sa mga libangan ko dati.

"Saan ka pupunta?!" A voice from a lady kung saan nakatayo sa tabi ko, while I'm looking my self sa isang life size mirror. Nakatitig siya sa katawan ko sa may salamin. May paghanga akong nakita sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko para niya akong huhubaran sa suot ko.

Ilang segundo din siyang nakakatitig sa katawan ko ng ako na pumutol sa nakakalusaw niyang titig.

"Sa isang foxy party." Wala sa sariling sagot ko habang patungo ako kung saan ang wallet ko. Tapos nakatingin lang sa amin si Lee. Kanina ko pa siya napapansin na pagdating namin ay kahit nagbabasa siya ay mas madalas siyang napapasilip sa aming dalawa. Palipat lipat ang kanyang mga mata.

"What kind of party is that? Now ko lang narinig iyan." Nagtatakang tanong niya.

"Ah-ahm....." Paano ba ito? Paano ko sasabihin na kakaibang party ito. Pero dipa ako nakakapagsalita ng magsalita ulit siya.

"Sama ako." Biglang deklara niya. Kaya literal na namilog mga mata ko na napatingin sa kanya. Patay!

"No!"

Agad kung tutol.

"Why?"

Tanong niya habang malditang nakataas ang kanyang kaliwang kilay.

"Ba-basta!" I stammered.

"I said, why?" Maawtoridad pa din niyang sabi.

Bigla akong napatingin kay Lee na parang humihingi ng tulong. Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya. Alam niya kasi na isang gay party ang pupuntahan ko. Nasabi ko na dati iyon at naisama din upang hanapin ang bruha niyang pinsan na si Sonya. Pero ang bastos na babae mas tinaasan at babaan ako ng kilay na parang nagsasabing "sinabi mo pa kasi saan ka pupunta."

"My Amazona" (COMPLETED)Where stories live. Discover now