A - 13

8.5K 281 7
                                    

Yuu's P.O.V

*flashback


Excited! Iyan ang nararamdaman ko sa first day ng new school ko. Diko maintindihan kung bakit.

"Hello everyone, I'm Scarlet Yuu Conan Johnson from Tokyo, Japan. Nice to meet you all. Thank you!" Pakilala ko. Biglang umingay sa room.

Sanay na ako sa mga ipinupukol nilang tingin sa akin.

Gising na gising ang parents ko ng magpakalat ang diyos ng kagandahan. Kaya maganda ako. Napapangiti ako sa isip dahil sa kayabangan ko sa sarili.

Nakakailang bf na ako dahil pakiramdam ko may kulang sa akin. Diko sila minahal at alam nila iyon. May hinahanap ako pero diko sa kanila makita. Alam ko naman sa sarili ko na straight ako. Never pa ako humanga sa kapwa ko kaya I'm pretty sure na straight nga ako.

"Hahaha marami na naman naduling sayo Yuu." Bulong sa akin ni Lee. Well, kahit naman itong bff ko ay  sobrang ganda pero takot ang karamihan na manligaw sa kanya dahil ang alam ko bantay sarado ang kanyan mga pinsan.

"There's no new about it." Mayabang kong sabi.

Tapos ngiti lang ang isinusukli ko sa mga taong nagpapakilala dahil ayaw ko ng attention.

Napadako ang tingin ko sa bakanting upuan sa may kaliwang bahagi ni Lee.

"Si Cloe ang umuukupa niyan." Napansin pala nito ang pagsulyap ko sa upuan. "Ewan saan na ba bruha na iyon." Oo nga pala, diko pa nakikilala ang bff niya since high school.

Nakinig na lang ako sa mga professor namin. Hanggang sa natapos ang morning class namin.

"Hi miss Yuu, sabay kana sa amin kumain." Aya sa akin ng isang grupo sa room.

"Pwede ba Emir, huwag mo idamay sa kabaklaan mo ang bff ko." Malditang sabi sa kanya ni Lee. Natawa kaming mga nakarinig sa sinabi nito.

"Pareho talaga kayo ni Cloe na harsh sa akin." Napapakamot sa batok na turan nito.

"Hahaha mali ka Emir." Unison na sabi ng mga friends nito na sina Averi, Javier at Lucas.

"Mas malala si Cloe kay Lee sa pagka harsh sayo!" Sabat naman ng grupo nina Mickey, Zoe at Jade. Tapos nag tawanan ang mga taong nasa loob ng room.

"Naturingan kong bff iyon pero grabe din sa akin." Natatawa din nitong sabi.

So, magbff sila. Bff nga lang ba? Sinuri ko ang postura ni Emir. Hhmmmm.... di naman siguro. Sabi ko sa isip.

Tapos bakit parang may na se-sense ako na kaakiba sa babae na iyon. Mukhang nabasa naman ni Zoe ang nasa isip ko.

"Naku girl! Wag kang mag-alala mabait iyon kahit may pagkamaldita. Sanayan lang at pagmakita mo siya ikaw na lang mag adjust sa paligid mo." Parang nagniningning ang mga matang sabi nito.

Lumingon ako kay Lee at nagtatanong ang mga mata ko pero nagkibit balikat lang ito.

Parang may something nga sa babaeng iyon.

Mabilis natapos ang lunch time ng magsimula na ang first subject namin for afternoon.

We're in the middle of our discussion ng bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isang dyosa.


"My Amazona" (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora