A - 28

7.4K 276 5
                                    

Yuu's P.O.V

Akala ko nagbibiro lang si wifey na ipapakickout niya si Dylan.

Kinabukasan nga ay balita na sa buong campus ang pagpapakickout daw nga nito sa kawawa kong kaibigan na di malaman ang dahilan.

Diko nakausap ito bago umalis dahil ayaw umalis kanina ang isa hangga't dipa daw nakakalayas sa school niya si Dylan.

Sinabihan ko na wag na niyang gawin dahil wala naman kaming ginagawang masama. Pero ang sista na bruhang babae.

"Wag mong sabihin na mas mahalaga sayo ang pangit mo na kababata na iyon kesa sa akin na asawa mo?!" Maldita niyang sabi kaninang umaga. Nagdebate muna  kami pero nanalo pa din ito. "Pag ako ba humiga sa lap ng ibang tao ay ano gagawin mo?" Tanong pa nito kanina.

Alam niyo ba ano sagot ko? "Mapapatay ko kayong dalawa!" Tapos ngumisi ang isa ng pagkalapad lapad na nagsasabing, see? Mas malala ka pa. Kaya dina din ako tumutol.

"Grabe girl, ano kaya nagawa ni fafa Dylan para ipakickout ni miss El Fuergo." Putol ni Jade sa aking pagmumuni. Di pa din kasi ito makapaniwala at napapailing pa ito.

"Baka naligaw sa magic spot garden nito." Segunda naman ni Zoe.

"Buti hindi pa kayo napaparusahan ni Cloe, Yuu?" Napalingon ako kay Emir. Nasa soccer field na naman kami. Tapos tahimik lang si Mickey sa isang tabi. Palibhasa alam niya ang lahat. "Dahil marami nakakita sa inyo na pumasok kayo sa garden. May mga narinig pa daw na kalabog." Isa pa iyan. Usap usapan na kami sa garden bakit wala pa daw kaming parusa. Ahay.

"Speaking of Cloe." Kinalabit pa ako ni Jade. "Sa taas daw kayo ng dorm nag stay now. May nililihim kaba sa amin girl? Diba Mickey?" Kuha sa attention ng nagbabasa lang ng book.

Nagkibit balikat lang ito bago nagpatuloy sa pagbabasa.

"Oo nga Yuu. Tapos mas madalas muna siyang kasama. Girlfriends na ba kayo?" Ewan ko sa mga ito ang daming tanong. Diko tuloy alam ano sasabihin dahil wala pa naman ginagawa na hakbang ang isa eh.

"Pero alam niyo guys." Interrupt ni Zoe sa lahat. "Na pansin niyo parang naging maldita at possive si Cloe now kay Yuu? I mean nakita ka niya na nakaunan sa lap ni Dylan at mukhang galit. So maaring nagsumbong siya kay Travis. Napapansin ko kasi na close sila ni Travis eh." Napapalatak na sabi nito. Iyong tipong napapapitik pa.

Hay kung alam lang niyo na siya mismo ang gumawa.

I'm about to speak sana ng mamataan ko si Cloe na nakikipagtawanan kay Zaya. Kaya walang pagdadalawang isip ay dali dali sana akong pupunta sa puwesto nila ng hilain ako paupo ulit ni Jade.

"Mali ka man ata Zoe haha si Yuu man ang possesive. Kitamo susugod agad. Halika samahan ka namin."

Tumayo na kaming tatlo ng lumingon kami sa dalawang naiwan.

"Di kayo sasama?" Tanong ni Zoe.

Unison naman na umiling ang dalawa na tanda na ayaw nilang sumama kaya kami na lang ang sumugod

Lagot sa akin buwesit na ito.

Napahinto din sa paglalakad ang dalawang kasalubong namin sa field.

"Kanina pa kita hinahanap tapos dito ka lang pala nakikipaglandian!" Pagalit ko na sabi.

"Thank you Zaya for your cooperation." Malapad pa ngumiti ang isa at nakipagbesobeso pa bago mag paalam sa kasama. "Bye."

Nakapamaywang ako ng sabihin niya iyon.

"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon