A - 14

9K 274 9
                                    

Yuu's P.O.V




"Hi wifey!"




Bati ko sa kanya. May practice kasi sila ng volleyball kaya hito na naman po si ako upang alagaan siya. Buti dipa nagsisimula.

Nilibot ko paningin ko at dami na naman nanunuod kahit practice game lang.

Alam niyo ba sino ang tse-ni-cheer nila? Aba! Kaya bantay sarado ako kay Cloe dahil sa mga malalanding iyan! Siya lang ba ang players na dapat nilang e-cheer?! Tapos kung maka banner sila wagas! Ang oA lang nila.

"Hey, are you ok?" Nag aalalang tanong sa akin ng wifey ko na ikinakagat ko sa aking labi dahil sa lambing ng boses nito. Tumango ako bilang tugon.

Sinipat ko ang kanyang suot. Ang sexy niya talaga. Kita ang legs nito na wala man lang ka piklat-piklat. Tapos napaka firm ng legs nito. Kahit feminine ito ay nagiging mabangis na ito sa loob ng court. Siya ang spiker ng team. At masasabi kong magaling talaga siya. Dahil simula daw ng sumali siya sa team two years ago ay wala pang talo mga ito.

Nagsimula na ang game. Tulad ng inaasahan ko ay ang galing niya. Napapatayo ako sa bench na kinauupuan ng mga sub at bench player. Galing niya talaga. Tapos ang ingay ng gym dahil sa tilian ng mga babae. Pati lalaki nakikicheer din. Di din nakalagpas mga gays. Nagiging tuwid at baluktot sa kanya ang mga tao.

Pero alam niyo ba bakit halaman tawag sa kanya ng nakakarami? Kasi di niya alam na siya ang campus crush. Pagdumadaan siya napapatingin ang mga students. Isa siyang tunay na dyosa sa ganda. Pero di niya iyon napapansin. Kahit maldita siya ay iniidolo siya ng mga ito. Matulungin at walang arte sa katawan.



"Woahhh! I love you Cloe."



"Cloe! Your the best!"



"Marry me Cloe!"


"That's my Cloe!"


Para sila mga high schoolers kung maka tili.


Duh! University ito!



Oa naman nilang makasigaw. Tsk!

Nakakainis ang fans club niya. Ang oA magtilian. Hmp! Nakascore na naman kasi siya.

"Relax ka lang Yuu." Awat sa akin ni Zoe na ka teammate ng isa. Nagpahinga muna ito.

"Nakakabuwesit kasi mga babae na iyon beshy eh." Tukoy ko sa malalanding malakas sumigaw.

"Of course!" React nito agad! "They're the school cheerleaders." Tapos natawa pa ito. "Ang sabihin mo nagseselos ka lang dahil boses ni Zaya ang nangunguna."

"Tseh!" Isnab ko na lang rito na tinawanan lang niya. Halata kasing nananadya ang isa dahil naka smirk pa ito kung makatingin sa akin.


"Go! Go! Cloe! I love you!"


Sigaw ng buwesit na Zaya na iyon. Tapos tumingin pa sa akin. Ah ganun huh! Maghintay ka lang! Maiinggit ka na naman sa gagawin ko.

Natapos ang game na favor kina Cloe.

"Congrats wifey!" Malambing na turan ko ng makalapit sa akin. Pinunasan ko na ang mga pawis nito sa mukha. Ito ang ginagawa ko sa tuwing may game sila sa labas or practice lng sa loob.

"Hhmmmm.... thank you!" Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis.

Tumingin ako kay Zaya at ngumisi dahil nakita ko paano niya ako paningkitan. "Ano ka ngayon?! Bleeh!" I mouthed to her.

"My Amazona" (COMPLETED)Where stories live. Discover now