A - 38

5.8K 214 28
                                    

Yuu's P.O.V


"For you nga pala miss Yuu." Sabay about ng stem ng red rose at isang paper bag na may malapad na ngiti sa labi.

Dito talaga sa hallway?

Tsk!

"T-thank you." Naka ngiwi kong pananalamat dahil dalawang araw na ganito ang setup namin tuwing umaga.

"Your welcome. Basta ikaw malakas ka sa akin. Masarap iyan at sadyang ako pa nagluto. Para dika magutuman." Sunod-sunod na sabi nito na diko naman tinatanong.

"Ahm! Marvin....k-kasi." Diko alam paano ito sasabihin sa kanya dahil mabait naman siya at maalaga. Tumingin siya sa akin na di pa din nawawala ang ngiti sa labi. "Pwede huli na ito? Nakakahiya sa mga kasamahan natin baka isipin nilang may namamagitan sa atin kasi sa totoo lang may ib...."

"Hayaan mo sila Yuu. Malinis naman hangari ko sayo at sana hayaan mo akong ipakita at iparamdam say....."

"May mahal na akong iba!" Lechugas kasi. Dipa ako tapos ay pinutol sinasabi ko kaya ako na din pumutol sa sinabi niya. Napaka epic pa ng reaction nito dahil sa gulat na may mahal na akong iba. Magtatangka pa sana ito magsalita ng unahan ko na. "Di lang mahal Marvin. Mahal na mahal ko ang tao na iyon kahit saksakan ng kamalditahan. Siya ang dahilan bakit naririto ako sa company na ito at diko sasayangin ang pagkakataon na ito na diko siya ulit makuha. Ibabalik ko siya sa piling ko at sisiguraduhin na wala na itong kawala sa akin. Hinanap ko siya ng isang taon kaya diko aaksayahin ang pagkakataon na ito. Ganun ko siya kamahal. Higit pa sa buhay ko." Napanganga ito kasama ng iba pang malapit sa amin. Gulat mababakas mo sa mukha nila. Paano ba naman? Nasa hallway pa kami ng harangan niya ako kaya maraming tao ang dito at nanunuod ng live show.

Kaya live ko din siyang na nireject.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at pinipigil ang iyak.

Pero sadyang makulit pala ito.

"Tulad ng sabi mo ay may mahal ka ng iba at mahal na mahal mo at d'mo sasayangin ang pagkakataon na ito upang bumalik siya sayo." Ngumiti ito na parang di ata naintindihan ano mga sinabi ko kanina. "Ganun din ako. Mahal na kita at diko sasayangin ang pagkakataon na ito na di ko maipakita ang malinis kong hangarin. Di ako susuko hangga't di pa kayo kasal ng taong mahal mo. Kaya sana Miss Yuu ay hayaan mo ako na maipakita ko sayo at maiparamdam ang aking hangarin. Maikli man ang halos dalawang buwan ang pakakakilala natin ay alam ko na sapat ang mga susunod na mga araw upang makilala natin ng lubusan ang bawat isa." Infairness ang sweet ng mga sinabi pero di ako kinilig dahil kay Cloe lamang ako kinikilig. Kahit walang mga malalambing na salita ang lumalabas sa bibig nito ay nanginginig na ako sa kilig.

Labi pa lang yummy na.

Katawan pa lang nito ng matikman ko ito ng paulit-ulit ay sobrang delicious sa pag yummy ang sarap. [A/n-wag ng pansinin ang delicious,yummy at sarap]

Napahawak ako sa aking necklace na hindi ko man lang hinuhubad.

Kahit naliligo ako ay suot ko pa din ito.

Bigay niya eh!

Mahal ko iyon at miss na miss ko na.

"Hayaan mo lang ako Yuu." Sabi pa nito.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ko dahil may isang nilalang ang madilim ang mukha sa likod nito.

Napalunok ako ng sunod sunod.

Patay!

Masama itong nakatingin sa akin pati sa hawak ko na paper bag at stem of rose.

Iyong mga nakapaligid sa amin ay biglang nahawi at napalingon si Marvin kay Cloe na madilim pa din mukha nito.

"My Amazona" (COMPLETED)Where stories live. Discover now