Kabanata 33

7.8K 151 15
                                    

Kabanata 33

DALAWANG araw na ang lumipas simula 'nong nalaman nila Papa ang tungkol sa amin ni Loch. At gaya nga nang pinaki-usap ko kay Papa, pinag-bigyan niya ng pagkakataon si Loch para makapag-paliwanag nang maayos.

Pumunta kahapon si Loch sa bahay, kaya naman nakapag-usap sila ni Papa nang masinsinan. Hindi ko alam kung anu-anong mga pinag-usapan nila. Bigla na lang sinabi kagabi ni Papa bago umalis si Loch na hindi raw kami puwedeng mag-sama sa iisang bahay hanggat hindi niya pa naaayos ang issue nila ni Diane. Well, masasabi kong hindi pa ganoon 'ka-okay' kay Papa ang lahat na mga nangyari, pero kita namang sinusubukan niyang intindihin at tanggapin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

At ngayon naman, panibagong araw ang kakaharapin ko. Iyon ay ang pagpasok sa school. Ilang araw rin akong umabsent. Buti na lang at napaki-usapan naman daw ni Tita Macy ang mga propesor ko na huwag akong i-drop sa klase. Dinahilan daw ni Tita Macy na nagkaroon ako ng problema kaya nakapag-absent ako ng ilang araw. Buti na lang talaga at mababait ang mga propesor ko at naiintindihan naman daw nila ako.

'GAYA ng gustong mangyari ni Papa, sumabay ako sa kanila ni Tita Macy papasok. Sinabi niya ring sasabay rin ako kay Tita Macy sa pag-uwi mamaya. Alam kong may dahilan si Papa sa mga sinabing niyang iyon. At para hindi na madagdagan pa ang bigat na nararamdaman ni Papa, hindi na ako umangal.

"Zace, ang bilin ko sa 'yo ha." ani Papa nang makababa na kami pareho ni Tita Macy sa sasakyan.

"Opo..." tipid kong sabi.

"Ako na ang bahala rito kay, Zari. Sige na at baka pareho kaming mahuli sa mga klase namin." ani Tita Macy sa magaang boses.

Tipid na tumawa si Papa bago niya kami tinanguan at saka niya pinaandar ang sasakyan palabas ng campus.

"Halika na, ihahatid na muna kita sa klase mo---" akmang hihilain sana ako ni Tita Macy nang mabilis kong ilayo ang mga kamay ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa inakto ko. Tipid akong ngumiti.

"Ako na lang po, Tita. Baka mahuli na rin po kayo sa klase niyo kung ihahatid niyo pa ako." sabi ko na mabilis naman niyang ikina-sulyap sa wrist watch niya.

Malalim siyang napabuntong-hininga.

"Kaya mo ba?" alanganin niyang tanong.

Ngumiti ako bago tumango.

"Kung sa bagay, ganito naman lagi ang routine mo. O, siya sige...mauuna na ako sa 'yo." aniya at saka umalis na.

Napabuntong-hininga naman ako bago ko tinahak ang direksyon patungo sa business building.

Nasa corridor pa lang ako nang mapansin kong panay ang titig sa akin ng ilang mga estudyante.

"Nakakahiya." rinig kong sabi ng isang babae nang malagpasan ko siya at ng dalawa niyang kasama.

Ipinag-kibit ng balikat ko lang iyon. Malay ko ba sa pinag-uusapan nila. Hindi ako chismosa, sadyang narinig ko lang talaga iyon.

"Ayan na siya, oh!" may isang babae na namang nagsabi 'non nang madaanan ko siya sa kinatatayuan niya kasama ang isang babae.

"Hindi na nahiya!" sabi naman ng isa pang babae.

Malapit na ako sa pintuan ng classroom namin nang biglang may tumamang libro sa likod ko. Awtomatiko akong napa-hinto.

"Oops! Sorry, nadulas ata sa kamay ko." rinig kong sabi ng isang babae na halatang natatawa sa nangyari.

Mariin akong napapikit at marahas na bumuga ng hininga bago ko nilingon ang may-ari ng boses.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Where stories live. Discover now