Kabanata 14

9K 301 156
                                    

Kabanata 14

Hindi ko na mabilang kung ilang mga babae na ang nagtungo sa tent namin para bumili ng paninda namin.

"Pabiling gulaman." Aniya ng babae.

Kumunot ang noo ko. Gaya ng mga naunang babae, hindi na sa akin ang atensyon niya kahit ako naman ang kaharap niya.

Umiling ako at bahagyang nilingon ang mga babaeng nakapila pero sa iisang direksyon lang naman ang tingin.

Pabagsak kong binitawan iyong malaking kutsara na siyang ginawa naming pang sandok ng juice.

Gumawa ito nang ingay dahilan para mapalingon sa gawi ko ang iilang babae.

I rolled my eyes. Kung kanina ay napuno ng mga lalaki ang booth namin, ngayon naman ay punong-puno ito ng mga babae. Mga ilan-ilan sa kanila ay pamilyar na sa akin dahil sa pabalik-balik na pagpunta rito sa booth namin.

"Ubos na..." Malamig kong sabi sa mga babaeng nakapila para bumili ng juice.

Kunot noo nilang tiningnan ang dalawang jar na nasa sa harap ko. Automatic silang napangiwi nang matanto nilang wala na ngang laman iyon.

"Edi gumawa pa kayo. Mahirap ba iyon?" Isang boses ang nangibabaw dahilan para muling matuon ang atensyon ng lahat sa direksyon ko.

Hindi ako nagsalita. I'm so tired, actually.

"Wala na kaming stock. Pang pitong timpla na namin iyong huli." Ani Relyn.

Mahaba ang pasensiya niya taliwas sa pasensiya ko.

"So?" Mataray na sabi noong babaeng nasa harap ko.

Hindi ko man lingunin, alam kong nag-angat nang tingin sa direksyon ko si Loch at Draco. I wonder where is the others?

"We can't make some--"

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Basta gumawa kayo ng juice!" Sigaw noong babae.

Naramdaman kong nagulat si Relyn sa pag sigaw ng babae. Nilingon ko sina Chelsy na naka kunot na ang noo.

Nailing ako. This is stressful.

"Look, I don't want to say this but I've seen some of you did not drink our buko and gulaman juice. Some of you throw it somewhere in the edge of our booth. And yet, you have still guts to come back here and pretend that you really want our goods." I said sounds sarcastic.

Yeah. I've seen some of them. Para bang wala silang pakialam kung sayang iyong binibili nila sa amin dahil hindi naman nila ito iniinom. Ginagawa lang ata nilang dahilan iyong pagbili sa amin pero ang totoo naman talaga nilang pakay eh iyong dalawang lalaki na tumatambay dito sa booth namin.

Ramdam ko ang titig nilang lahat sa akin.

Lumapit sa tabi ko si Chelsy saka niya ako marahang tinapik sa balikat.

"Ako na ang bahala rito, Zari. Magpahinga ka na muna." Bulong ni Chelsy saka niya senenyasan si Draco.

Nakita ko kung paano nahawi sa dalawang grupo ang mga babae nang dumaan si Draco sa harap nila.

Umirap na lamang ako sa kawalan.

"Tara, Ate...." Nag-aalangang ani Draco.

Napabuntong-hininga ako. Hinubad ko ang suot kong apron bago nilingon sina Chelsy

Nakangiti sila sa akin. Tumango lang ako saka ko nilingon si Draco.

Ngumiti siya bago niya ako iginaya palabas ng tent namin kung saan naroon na rin sa labas si Loch. Seryoso ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon