Kabanata 1

14.3K 349 4
                                    

Kabanata 1

Mabilis na bumaba sa sasakyan niya si Papa saka agad na lumapit sa akin para mayakap ako.

"Kumusta ang byahe, anak? Napagod ka ba?" Malambing tanong ni Papa matapos ang mahigpit na yakap sa akin.

Tipid akong ngumiti. "Medyo po." Tipid kong sagot saka ko nilingon ang sasakyan niya. "I-ikaw lang po?" Hindi naman sa nag-aasume akong pati ang asawa niya at ang anak niyang lalaki ay sasama para sunduin ako. Gusto ko lang makasiguro.

Tumango si Papa saka niya kinuha ang maleta ko para mailagay sa kotse. "Busy si Tita Macy mo sa pag-aayos sa magiging kwarto mo. Kaya hindi na nakasama. " Natatawang aniya Papa saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan. "Pumasok ka na ng makaalis na tayo. Nag-aantay sa atin si Draco sa sentro." Aniya Papa, talking to his son named Draco.

Bumuntong-hininga ako bago ako tuluyang pumasok sa loob ng SUV.

Akala ko nung una na iyong sinasabi ni Papa na sentro eh malapit lang. Ngunit may kalayuan din pala ito. Napapairap na nga lang ako tuwing may madadaanan kaming mga kabahayan. Akala ko hihinto na ang sasakyan pero hindi pa pala.

May dinaanan pa kaming malalawak na tubuhan sa paligid ng kalsada. Ngunit agad rin akong nabuhayan ng loob ng mabasa ko ang malaking karatola na may nakalagay na "Sentro ng San Del Monte". Mukhang nasa sentro na kami.

Tuluyan nang natuon ang atensyon ko sa labas ng sasakyan ng unti-unti bumungad sa dinadaanan namin ang mga malalaki at makukulay na kabahayan. Kompara sa mga kabahayan kanina na dinaanan namin, mas magaganda at malalaki ang mga narito ngayon sa sentro.

May kakaiba akong naramdaman sa loob ko ng unti-unti kong masilayan ang kanina pang sinasabi ni Papa sa akin na simbahan daw at malaking auditoruim na siyang nagpapatunay na nasa sentro na nga kami ng San Del Monte.

Halos mapanganga ako sa sobrang laki at ganda ng simbahan na nakikita ko ngayon.

Napunta kay Papa ang atensyon ko ng biglang huminto ang sasakyan.

"Bumaba ka na muna, anak. Hihintayin lang natin ang kapatid mo." Nakangiting aniya Papa.

Kumunot agad ang noo ko. Huh? Akala ko ba siya ang nag-aantay sa amin? Tss.

Kahit nalilito ako, bumaba na lang din ako. Muling umihip na naman ang lamig ng hangin sa buo kong katawan. Sobrang sarap ng simoy na hangin. Sariwang-sariwa.

Muling natuon ang atensyon ko sa paligid. Akala ko noon pag probinsya, hindi gaanong marami ang mga tao at walang mga gusali. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang nagkamali ata ako. Maraming tao ang nagkalat sa buong sentro. May mga iilang gusali akong nakikita na mga hanggang ground and 2nd floor lang. Restaurant at mga pamilihan ata ng mga damit ang mga ito. Sa katabi naman ng playground kung saan ang daming mga batang naglalaro, naroon ang maraming mga tiange ng may kung anu-anong mga paninda.

"Magugustuhan mo dito, anak." Nakangiting sabi ni Papa.

"I hope so." Tanging nasabi ko.

Sabay kaming napalingon ni Papa sa auditoruim ng biglang magsigawan at magtilian ang karamihang mga babaeng naroroon. Pansin ko ring ang daming nanonood ng kung ano mang meron sa auditoruim.

"Fiesta po ba rito sa sentro?" Hindi ko na napigilan pa ang hindi mag tanong.

Tumango si Papa saka natawa. "Pang tatlong araw na itong Fiesta dito sa sentro. Bukas ang panghuli. Kaya maraming tao ang naririto ngayon." Sagot ni Papa. "Naglalaro ng liga si Draco. Sabi niya kanina nung tumawag ako na patapos na." Aniya Papa saka tumingin sa wrist watch niya. "Maaga pa naman---oh! Anjan na pala sila." Aniya Papa saka nakangiting tinuro ang apat na lalaking palapit sa amin.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Where stories live. Discover now