Kabanata 11

9.5K 311 33
                                    

Kabanata 11

"What do you think about Selena Gomez and Justin Bieber?" Nasa kalagitnaan kami ng pag-lu-lunch nang biglang nag-tanong iyong kaibigan ni Migo. I forgot his name.

Yes. We're eating with them. Pangatlong beses na itong araw na ito na magkakasabay kaming limang kumain dito sa cafeteria. Madalas si Chelsy at Relyn talaga ang kasama ko.

"What's with them, anyway?" Kunot noong tanong ni Chelsy.

Tumawa naman si Migo. "Stop asking nonsense, Ternal." Aniya.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Masiyado ata akong preoccupied kakaisip sa nararamdaman ko para kay Loch. Ilang araw na rin ang dumaan ng huling pagkikita namin ni Loch sa bahay niya.

Isang gabi habang nagdidiner kami, nabanggit ni Tita Macy na pumunta raw sa Manila si Loch.

"Anong gagawin niya roon, Ma?" Tanong ni Draco.

"Siya ang ginawang representative ni Kuya Venon para umattend nang meeting." Ani Tita.

"Mukhang sinisimulan na ni Kuya Venon na sanayin si Loch para pagdating nang araw, handang-handa na ito." Komento naman ni Papa.

Tumango si Tita Macy. "Mukhang ganoon na nga."

Ganoon minsan tuwing nagdidiner kami, nababanggit ang pangalan ni Loch, minsan naman ay hindi.

"How about you, Zari?" Nabalik ako sa realidad nang bigla akong tinapik sa balikat ni Chelsy.

"Huh?" Pagtataka ko.

"Tinatanong kita kung anong tingin mo kay Justin Bieber at Selena Gomez." Natatawa niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko. "Well, they are both talented and gorgeous." I said matter of factly.

Nagtawanan naman sila.

"She has a point though." Ani Migo saka niya 'ko kinindatan.

"Given naman na iyon." Napakamot sa ulo si Ternal. "Ang punto ko eh kung anong tingin ninyo sa relationship status nilang dalawa." Aniya.

Umiling si Chelsy. "I don't know. I'm not a fan of Jelena, anyway." Aniya at ngumiwi.

Ngumuso naman si Relyn. "I ship them, but they are complicated."

"I like Selena....Only Selena." Ani Migo.

Lahat sila lumingon sa akin nang lumipas ang ilang segundo eh wala pa rin akong maibigay na komento sa topic nila.

I rolled my eyes. Tumawa naman sila.

"Tama na nga iyan. Bakit ba kasi napunta kina Justin at Selena ang usapan natin ha?" Ani Chelsy.

Napakamot naman si Ternal sa batok niya. "Wala naman. Maihahalintulad ko kasi iyong relasyon namin nung girlfriend ko sa relasyon ni Justin at Selena." Sabi niya, tunog malungkot.

"Ay bakit?" Natatawang tanong ni Chelsy.

"Minsan okay, minsan hindi. Minsan kami, minsan cool off." Ani Ternal.

Pinagtawanan siya ni Migo at Chelsy. Ngumiwi lang si Relyn. Nailing naman ako.

"Buti nga may kayo eh. Mas mahirap naman iyong minsan okay kayo tas minsan hindi eh wala namang kayo." Humalakhak si Chelsy.

Natigil kami sa tawanan nang tumunog na ang bell. Tapos na ang mahigit isang oras na lunch break.

Agad kaming nagtungo sa kanya-kanya naming mga klase. Magkakasama pa rin kami nina Chelsy at Relyn. Lahat ata ng minor class naman eh magkakablock kaming tatlo.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu