Kabanata 10

9.5K 291 11
                                    

Kabanata 10

Open na ang mga tent para sa mga gustong sumali sa kahit anong organization nang makabalik na kami sa school.

Bigla na namang kumulimlim ang langit kaya ang daming estudyante na pakalat-kalat ngayon sa buong field. Iyong iba para sumali sa mga organization at iyong iba naman ay napagtripan lang tumambay sa bermuda, gaya namin nina Chelsy at Relyn. Natawa pa ako nang biglang maisipan ni Chelsy na mahiga sa bermuda kagaya ng ibang estudyante.

Umihip ang malamig at malakas na hangin. Napatili ang ilang mga babae dahil natatangay ng hangin ang palda nila maski ang mga buhok nila ay sumabog na rin dahil sa hangin.

Nagtawanan kaming tatlo.

Pasimple kong nilingon si Relyn at Chelsy. Ilang oras pa lang kaming magkakasama pero kumportable na agad ako sa kanilang dalawa. Or it's just a new feelings in me.

I admint. I don't have really much of friends in Manila. Nakakausap ko sila in a nice way pero never ko silang naging kaibigan. But don't get me wrong, maraming lumalapit sa akin na gustong makipag kaibigan sa akin. Pero simula nang nalaman kong may isa pa akong Tatay at hindi si Daddy ang biological father ko, ako na mismo ang umiiwas doon sa mga gustong makipagkaibigan sa akin.

Bukod sa amin nina Mommy, wala nang may alam pa na hindi ako totoong anak ni Daddy. That doesn't mean they want to keep it a secret forever. It's just, what is the purpose if they tell the truth to everyone anyway?

I'm just scared na baka once na malaman nilang illegitimate child ako nang kilalang businessman sa bansa eh bigla nila akong husgahan or worse si Mommy. I know some people won't understand why our family end like that. Maski ako ay naguguluhan pa rin kung paano nagsimula at nagtapos sa ganoon.

Iniisip ko kung magkakaroon ako ng kaibigan, I should tell them everything about me right? Para makasundo ko sila. Ganoon ang paniniwala ko about sa friendship, na kailangan mong sabihin ang lahat sa kanila para hindi nila masabing naglihim ka o may tinatago ka sa kanila. And I have these pretty secrets of mine. Kaya imbes na makipagkaibagan ako, iniiwasan ko na lang ito para maiwasan ko ring ibahagi ang isang sekretong hindi naman ganoon kalala o nakakahiya para sa akin, actually.

And now, I have this feeling na handa akong makipagkaibigan kina Relyn. They already know my pretty secret but they stay at my side. Pwede naman nila akong iwanan sa karenderya kanina noong nalaman nilang si Papa ang totoo kong Tatay pero apilyedo ni Daddy ang ginagamit ko.

Nailing ako sa sariling naisip. Maybe they accept me, my story behind my surname and my parents kasi hindi naman nila ganoon kakilala si Daddy. Mas kilala nila si Papa keysa kay Daddy kaya hindi big deal sa kanila nang nalaman nilang anak ako ni Papa sa ibang babae. Pero sa Manila, Dad is quite popular. That's why it's a big deal for everyone. Anong magiging reaksyon ng karamihan pag nalaman nilang ang panganay na anak nang owner nang isang sikat at leading magazine publishing  company ay illegitimate child pala?! That would be a big scope for everyone.

Ang iniiwasan lang naman namin eh iyong pag-usapan ng kung sinu-sino ang issue ng pamilya namin. Lalo na sa side ni Daddy.

"Sasali ba kayo?" Nabalik ako sa realidad nang biglang bumangon si Chelsy mula sa pagkakahiga.

Bahagyang umiling si Relyn. "Ayoko. Nakakahiya." Aniya.

Natawa naman kami pareho ni Chelsy.

"Ano bang nakakahiya roon? Sasali ka lang naman hindi maghuhubad. Naku talaga, Relyn. Di ka pa rin nagbabago. Napakamahiyain mo pa rin." Panunuya ni Chelsy.

"Eh basta! Ayoko talaga sumali sa mga ganyan." Maagap na aniya Relyn.

"Well, it's your decision anyway, no one can force you to join if you don't want too." I said matter of factly.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Where stories live. Discover now