Kabanata 31

7.9K 195 2
                                    

Kabanata 31

MATAPOS ang pekeng kasal, inanyayahan kami ni Mayor sa mansiyon nila para roon na mag-tanghalian at mag-stay habang narito kami sa San Lorenzo. Pumayag naman si Loch kaya pumayag na rin ako. Okay na rin ito para makapag-pahinga naman si Loch sa pagpapatakbo ng yate.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian, nagpahinga muna kami saglit ni Loch sa kuwartong ibinigay sa amin ni Mayor at ng asawa niya.

Alas tres ng hapon nang nagising ako. Wala na si Loch sa tabi ko kaya mabilis akong bumangon at inayos ang sarili bago bumaba.

"Oh, Zariah." naka-ngiting bati sa akin ni Mrs. Alcides. May dala itong tray na may lamang kung anong pagkain na hindi ko mapangalanan. "Nasa garden si Loch at Larry, tara." tumango ako at mabilis na lumapit sa kanya.

"Kumakain ka ba nito, Zariah?" naka-ngiting tanong ni Mrs. Alcides.

Napa-ngiti naman ako at sinulyapan ang tinutukoy niyang pagkain. Kumunot ang noo ko. Hindi ako pamilyar sa pagkaing nasa harapan ko ngayon. Umu-usok pa ito, tanda na mainit. Obvious.

"Ngayon pa lang po ako nakakita ng ganyang pagkain." nahihiya kong sabi.

Natawa naman si Mrs. Alcides.

"Biko ang tawag namin dito sa Probinsya, Kalamay naman ata sa Maynila o sa ibang siyudad. Hindi ako sure." humalakhak si Mrs. Alcides.

Sinabayan ko na lang din siyang tumawa. Si Mrs. Alcides at si Mayor Larry ay parehong palatawa. Kaya siguro ang bata nilang tingnan kumpara sa edad nilang dalawa.

"Masarap ito kaya dapat mong matikman." ani Mrs. Alcides nang nakarating na kami sa garden.

Agad nag-tama ang mga mata namin ni Loch. I smiled when I saw the glitters of his eyes while looking at me.

"Oh, narito na pala ang mga asawa natin." panunuya ni Mayor.

Ngumiti si Loch at mabilis akong inalalayan sa pag-upo sa katabi niyang silya.

"Oh, ito Zariah." ani Mrs. Alcides at inabot sa akin ang isang puting platito na may lamang biko. "Tikman mo." tinanguan ako ni Mrs. Alcides.

Nahihiya naman akong tumango at tinikman iyon. Napa-tango ako nang malasahan kong masarap nga. Matamis ito. Malagkit na kanin na kulay brown, na may peanut toppings, matamis ang lasa, biko pala ang tawag sa pagkain na ito.

"This is actually delicious..." compliment ko dahilan para mas lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Mrs. Alcides.

"I told you." ani Mrs. Alcides sabay kindat sa akin.

Ngumiti ako at bahagyang nilingon si Loch nang maramdaman ko ang pag-hawak niya sa kamay ko.

"How's your sleep?" he asked me while looking at me closely.

"Ayos naman. How about yours?" I asked back.

Tumango siya at marahang sumimsim sa kape niya.

"Better." he said after.

Ngumiti ako at tumango.

Umubo naman kunwari si Mrs. Alcides para agawin ang atensyon namin. Nahihiya naman akong bumaling sa kanya, ganoon rin si Loch.

"Pasensya na sa istorbo...." nag-a-alangang ani Mrs. Alcides. "Pero, talaga bang aalis din agad kayo bukas ng umaga?" tanong nito.

"Kailangan po naming makabalik agad bukas sa Isla Naputad." ani Loch sabay sulyap sa akin.

"Gagabihin rin kayo nang pagdating doon kung aalis kayo ng umaga bukas." ani Mayor Larry.

Tumango-tango si Mrs. Acides, sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang asawa.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Where stories live. Discover now