♥Chapter 27♥: Golden Rule

Start from the beginning
                                    

“Hon, hindi ka nagbuntis. Tsaka kelan pa nangaling si Jongin sa tsan mo?” tanong nung asawa niya.

“Galing sakin si Jongin!!” nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw.

“Hindi galing sayo si Jongin! Hindi ka nabubuntis!!” hala? Anong nangyayare?

“Nagsisimula na sila, tara na.” sabi sakin ni Jongin sabay hawak sa kamay ko.

“Ui, hindi man lang ba natin sila aawatin?” tanong ko pero nginitian lang niya ko at umalis na dun sa hapag kainan.

“EH GAGO KA PALA!! IKAW KAYA BUMUNTIS SAKIN!!” rinig ko parin yung sigawan nila sa labas.

“Hon, ilang beses na ba nating napag awayan to? Wala ka ngang ano… alam mo yun. Papano ka mabubuntis?”

“Ulol! Sakin nga nangaling siya!!”

“O sige sabihin natin na sayo nga galing, aber san lumabas?”

“S-Saan lumabas? Bakit hon, kailangan bang lumabas sakin si Jongin? Abay, masakit yun hon. Hindi ko ata kaya yun? Buti nabuhay pa ko, no?”

 

 

Gusto kong tumawa kaso pinigilan ko lang dahil baka maoffend yung ‘anak’ nila.

“Kwarto mo to?” tanong ko habang nililibot yung tingin sa mga nakadisplay na gamit sa kwarto niya.

Grabe ibang iba sa bahay niya dun, bakit kaya dun siya nakatira eh kita namang mas maganda buhay niya dito kung dito siya maninirahan.

“Oo nga pala, bakit hindi mo ko sinagot kanina nung tinatanong kita?” tanong ko sa kanya habang naman siya nagtatangal ng damit.

“Nakita at narinig mo naman kung papano sila mag away ng dahil lang dun diba? Ayaw ko nga na magbangayan kami sa labas, nakakahiya.” Napatingin naman ako ng masama sa kanya.

“Wow! Kelan ka pa natutong mahiya?! Eh ba’t sakin?? Kung tirahin mo ko wala kang pakielam kung makita tayo ng iba.” Tang ina nito.

“Ginagawa ko yun, kasi hindi kita kinakahiya…”

A-Ano...

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now