“Unknown threats,” he toyed the pen with his fingers. “Hindi pa alam kung sino ang nagbigay, dahil walang pangalan. But it might be Mike himself.”

“Bakit niya naman gagawin ‘yon kay Darla?”

“Because she’s your girlfriend,” simpleng sagot niya. “Maraming kaso ang kamukha nang sa inyo. Pag gumanti ang suspect, hindi niya titirahin ang kaaway niya, kundi yung iba na mas makakasakit sa kagalit niya. As my theory, binalak niyang patayin ang girlfriend mo… nang kasama ka. Nang ikaw ang witness sa lahat.”

It took me a couple of hours to become stable again. Pagkaalis kasi ng investigator, bumilis ang paghinga ko at ilang oras na nakakuyom ang kamay ko. Hindi rin ako makausap nila mama dahil ayoko nang kausap.

Sinubukan ko na lang ipikit ang mata ko para mawala kahit paano yung stress sa katawan ko.

***

I’m not sure if this is what they call nightmare. Why? Partly, it looks and feels so real, but partly, it seems so impossible. Nakita ko si Darla na nakaupo sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko, at naka-dangle ang dalawang binti niya na parang see-saw. Gusto ko siyang tawagin para lumingon siya pero hindi ako makapagsalita.

“Lawrence,” sabi niya habang nakatingin siya sa tsinelas na suot niya. Ako naman nakahiga sa kama, at naka-hospital gown.

Hindi ko alam kung paano siya nakapasok. Basta nakita ko na lang siya sa tabi ko.

“Lawrence, mahal mo ba ako?” tanong niya. I smiled, nodding. “Kung gano’n sasamahan mo ‘ko?”

Unable to speak a word, I reached for her hand and gently squeezed it. She’s damn cold. My forehead creased, wondering why she’s so cold and firm.

“Lawrence, matatakot ka ba pag nawala ako?” hindi ko alam kung bakit siya nagtatanong nang ganyan pero doon ko lang naramdaman ang matinding heartbeat ko. “…pag iniwan kita?”

Napalunok ako nang laway—hindi ko nga alam kung may nalunok ba kong laway, e—at hinigpitan lalo ang kapit sa kamay niya. Hanggang sa naramdaman kong kusang lumuwag, at narealize kong nakabitaw na ‘ko sa kanya.

Tahimik ulit siya sa loob ng isang minuto, at gano’n din ako. Maya-maya, hinubad niya yung tsinelas niya at humiga sa tabi ko. Ginamit niya pang unan ang braso ko, at nakapatong ang isang kamay niya sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko parin na malamig siya, kaya yumakap ako.

“I’m glad you made it,” bulong niya. “Pero hindi ko na kasi… kaya.”

Inalis ko yung pagkakayakap ko at tumingin sa mukha niya. Nanlaki na yata ang mga mata ko at gumulong pababa sa kama nang makita kong bulok na yung mukha nang katabi ko—may uod sa bibig at tuyot na ang mata niya. Hindi siya si Darla. Imposible.

Pagkabagsak ko sa sahig, bigla akong nagising at napahangos. Narinig ko pa nga na medyo sumigaw ako.

“Bakit?” tanong ni Papa. “Ano’ng nangyare? May masakit ba sayo?”

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon