Chapter 57- Can I have this dance

Start from the beginning
                                    

I let out an awkward chuckle because I’m not used of him being so serious. “This is our first date.. Right?”

Malambing siyang ngumiti. “Yes, first date, just the two of us.” Malakas na umihip ang hangin at halos tumayo lahat ng balahibo ko sa lamig, mabilis niyang inabot ang jacket na nakalatag sa kama. Wow! Boyscout!

Tinulungan niya akong suotin yung jacket bumalik sakin yung alaala nung elementary na nilagay nya din sakin yung jacket niya.. Inabot niya sakin ang isang plate na may mga pagkain.. kumportable kaming umupo sa kama na magkaharap.

“Ubusin mo yan ha. Ang payat payat mo naman, baby.” reklamo na naman niya. Napanguso ako, ang dami ng pagkaing nakalagay at gusto nyang ubusin ko lahat ‘to?! Anong akala niya sakin kumain? Parang isang construction worker?

Sumubo nalang ako kahit na halos hindi ko din naman malunok yung pagkain dahil sa paraan ng pagtitig niya.. Hindi na ako magtataka kung bakit halos lumuhod ang lahat ng kababaihan sa lalaking ‘to dahil maging ako naman ay nadadala sa mga mata niya at mahahabang pilikmata. Mapa-matanda o bata ay mabibighani sa kanya.

“Hindi ako sanay na tahimik ka.. Mas sanay akong nagtataray ka.” humalakhak na naman siya kaya hinampas ko na. Aba’t ang bruho na ‘to!

Hindi mo lang alam na kaya ako nanahimik ay kinikilig ako.. at.. pinipigilan kong halikan ka.. damn.. gulp. Hindi naman..gulp.. ako naaakit e.. Ahm. Gulp.. Medyo lang.

Tumingin ako ulit sa langit. “Bakit nga pala madalas ka sa school ngayon, Bry? Wala ka bang projects?”

“Humingi ako ng isang buwan na pahinga sa kanila.. Sinabi naman nila na mas makakabuti din yun para pahupain ang usap-usapan kay Melalaine.. pero after ng sembreak ay kailangan kong pumunta sa Europe.”

Naagaw nya ang buong atensyon ko. Europe? Ang layo naman.. May babae bang kasama?

Pero syempre hindi ko matatanong yang mga ‘yan. Kahit naman mahal ko siya ay karapatan ko pa din na magpakipot diba? Hahaha.

Hindi pa ako sumasagot ay parang nabasa nya na sa mukha ko lahat ng mga tanong ko. “May isang movie kasi na dun ang setting namin. Marami naman kami kaya wala kang dapat ipagalala.” kumindat pa ang mokong kaya napangiwi ko at tumawa na naman siya.

Saya mo ha?! -_-

“S-Sinong ka-loveteam mo dun?” pwede bang ako nalang? Sigurado ako may kissing scene na naman yan e! Tsaka matagal siyang mawawala.. Paano kapag na-inlove siya dun sa babae? Paano na ang kinabukasan ng magiging pamilya namin?!

Bwahahahaha. Nag-assume agad no? Aba’t syempre! Sino pa ba ang pangangarapin kong mapang-asawa kung hindi siya lang diba?

Tumawa siya tapos ay inabot ang pisngi ko tsaka marahang pinisil ito. “Hindi pa nga nagsisimula, nagseselos ka na agad. Haha.”

Be MineWhere stories live. Discover now