Chapter 15.2- Another Postponed Lovestory 2??

1.2K 22 7
                                    

FLASHBACK

Nagkakagulo lahat ng mga kababaihang hindi nalalayo sa edad ko dito sa San Mateo, Pangasinan. Kakasimula palang ng summer noon at kakagraduate ko lang ng elementary.

Kasalukuyan kong hinahanap ang pinsan kong si Jm dahil yayayain ko siyang magpunta sa mall sa may bayan at ang nagkakagulong mga babae ang naabutan ko dito sa may court malapit sa bahay nila Jm.

“Pinsan! Pinsan!” narinig ko ang boses na sumisigaw at alam kong si Jm yun kaya hinanap ko siya sa paligid.

Nakita ko siya malapit sa kumpulan na mga babae kaya lumapit ako, “Akala ko ba ‘couz’ na ang tawagan natin? Bakit pinsan na naman?”

“E kasi naman couz madaming tao baka may makahalata na beki ako isumbong pa ako kay Dad!” pabulong na sabi nito.

Kapitan ng pulisya dito sa probinsya namin ang tatay ni Jm kaya ayaw nito ng baklang anak. Isa pa ay inaasahan ng mga pamilya namin na kaming dalawa ni Jm ang magmamana ng business ng pamilya kaya mas mabuti daw na may katuwang siyang lalaki.

“Bakit naman kasi ayaw mo pang umamin e halata na naman?” inis na sabi ko sa kanya.

Hinampas ako ni Jm tsaka hinawi ang bangs niya, “Kaloka ka couz! You know naman si Dad! Baka hindi niya lang ako gawing bala sa canyon, baka gilitan niya ako sa leeg or worst baka ipa-rape niya ako sa mga malalaking tiyan na pulis sa station, ayoko sa kanila. Ang papangit nila! Huhuhuhu.” Habang animo nakatakip ito sa dibdib niya.

Pinanganak si Jm na OA. Hindi na yun lingid sa kaalaman ko..

“Maarte ka couz. Ang gagawin lang naman sayo ni Tito ay itatakwil ka at aalisan ka ng mana!”

“Wow ha! Thanks! You made it sound very EASY!” sarcastic na sabi niya sakin.

Niyakap ko siya.” Ito naman! Nagbibiro lang ako e! I love you couz!”

Maliit lang ang pamilya namin at parehas kami ni Jm na only child kaya close na close kami sa isa’t isa. May iba pa kaming mga pinsan pero hindi namin gusto yung mga ugali nilang mapagmataas na wari ko ay kahit umapak sa putik ay hindi gagawin ng mga yun kaya hindi namin sila kasundo.

“EWWW! Ano ba Cecillia! Don’t hug me puhlesss. Baka isipin ng mga papabols sa court ay jowabels kita when in fact ay isa sa kanila ang gusto kong maging jowa!” maarteng pasaring nito habang tinutulak ako.

Lumayo ako sa kanya at inayos ang sarili ko.

“Anyways, ano nga bang meron? Bakit parang sinisilihan sa puwet tong mga babaeng to?”

Nagulat naman ako sa pagtalon ni Jm at para na ding bulate na sinabuyan ng asin kung mangisay. “E kasi couz, ayun oh!” sabay turo sa mga lalaki sa basketball court na naglalaro, “yung kasama ni Marco, from Manila, papabols teh! Yummyness! Nakakalaglag brief! Nerd pumorma pero ang cool maglaro ng basketball at ang abs! Wapak na wapak!”

Napatingin ako sa tinuturo niya at nakita ko nga ang kalaro nila Marco na lalaking may suot ng malapad na salamin habang naglalaro. Gusto kong mapaismid, ang kapal ng salamin niya at dinaig niya pa si Ninoy, at tsaka hindi ba malalaglag yang salamin niya sa paglalaro?

“Hindi pa ba uso ang contact lens sa Manila, couz?” curious kong tanong kay Jm na halata namang nalusaw na sa sobrang paghanga sa Nerd na lalaking yun.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon