Chapter 10- The battle has just started

1.3K 22 6
                                    

Sorry po! (Chichay way) Maikli lang ang part na ito. Huehue. :3 Bonus lang po. Sabi ko naman sa inyo kapag may time akong magupdate lulubos lubusin ko e. 

Labs na labs ko kaya kayo.❤

(Speaking of the word 'Labs', yan ang tawag ng mahal ko sa babaeng pinagseselosan ko talaga ng sobra. Ang bestfriend nya. -_- But hey, bestfriend ko din ang bestfriend nya kaya okay lang, alam nya naman na nagseselos ako sa kanya. Haha. Loveyou Fibs!)

Vote nyo naman ang story ko. Okay lang kung ayaw nyo hindi ko kayo pipilitin.. Pero PLEASE PARANG AWA NYO NA.. Vote na kasi and FOLLOW NA DIN PO. Huehue. Abuso ba? Sorry naaa. :(((

10 votes and 10 followers tsaka ulit ako maguupdate.. Sorry guys. Pero may kanya kanyang purpose po ang mga writer's dito sa wattpad and I really want to know kung may nakakaappreciate ba ng story ko o wala. Thankyou and please understand! ❤

Sana maenjoy nyo! Godbless.

-Ainelabs

-----------------------------------------------------------------------------

STEFF’S POV

As soon as I step out the door, gusto kong murahin talaga ang sarili ko..

Kung alam nyo lang kung gaano ako kinikilig kanina, na halos maihi pa ako sa kinauupuan ko, bigla kong nakalimutan na tinawag nya akong cheap. Nakalimutan ko na pinahiya nya ako sa harap ng mga kaklase namin, nakalimutan ko na boyfriend pala siya ng kaibigan ko..

FVCK STEFF! Hindi ka talaga nag-iisip.

Buti nalang at gumana ang utak ko. -_- Isang yakap lang, napawi nya lahat ng masakit na nararamdaman ko halos pati pagiging pilay ko ay makalimutan ko na.. TAKE NOTE: YAKAP LANG YUN! Paano pa kaya pag kiss na?

O.O

Omo? Naega museun saeng-gag-eulhago!?? (naega museun saeng-gag-eulhago- what am I thinking)

Anong kiss?! For Batman’s sake, he already has a girlfriend STEFF! And it happens that his girlfriend is none other than Laine! Your friend! So get a hold of yourself! And STOP acting like a great damn flirt!

Kahit mahal ko si Bryan, I can’t let him hurt Laine.. She’s one of my bestfriend, and I treat her like my sister. Kahit ganito na ang nangyari samin, it doesn’t change the fact that I love her as my sister..

Naiintindihan ko kung bakit lumalayo sakin si Laine. Siguro ay gusto niya lang ilayo sa akin si Bryan, alam ni Laine na matagal ko ng gusto si Bryan, and hindi ko naman siya masisisi na minahal niya din ito.. Wala akong karapatan na diktahan ang nararamdaman niya..

Gustuhin ko man magsisi dahil hindi ako sumabay kumain kay Bryan, I know deep inside me na tama ang ginawa ko.. I know his reputation, he is a womanizer. He flirts with all the girls.

At hinding hindi ako mapapabilang dun..

Kahit na mahal ko pa siya..

Ilang beses akong muntikan mahulog sa pagbaba sa hagdan galing rooftop.. Ang hirap kaya! Try nyong bumaba sa hagdanan ng naka-cast ang paa at may hawak na mabigat ng saklay. Ewan ko lang kung hindi kayo abutin ng siyam siyam..

After 1234567879 years, nakababa din ako. AT LAST! Buti naman..

Pero nabigla ako nung nakita ko kung sino ang nakatayo sa harap ko na namumula ang mukha at parang anytime ay mananabunot na..

“L-laine..”

I was shocked.. Wait, no.. I am appalled! Why is she here? Galing na ba sya sa taas? Narinig nya ba? May nakita ba sya?!

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon