Chapter 49- I'll be okay

819 24 19
                                    

Before 6 pm ay nasa bahay na si Jake habang nasa kwarto pa ako’t nagpapaayos. Buti nalang ay naging madali ma-contact yung personal make up artist ko.. Syempre, nakakahiya naman na humarap ako sa madla ng mukha akong dugyot diba?

Isang itim na simpleng long gown na walang v-neck ang suot ko ngayon pero backless. Bago pa ako makapili ng damit! Pano ba naman kasi si Bryan, lahat ng pinagpipilian kong suotin ay pina-send nya muna ang picture sa kanya..

In short, siya ang pumili ng damit ko, ayaw nya pa nga nito eh kaso nainis na ako kasi halos isang oras kaming nagtatalo sa phone kung anong isusuot ko, kaya in the end wala na siyang nagawa kundi ang pumayag nalang.

“Bagay na bagay sayo ang ganito, ateng. Yung simple lang, parang natural lang.” sabi ni David a.k.a Donna sa gabi.

“I like it that way, ayoko naman na makakuha ng atensyon.”

“Naku ha! Anong hindi makakakuha ng atensyon!? Sino ka ba!? Baka nakakalimutan mo, ikaw lang naman si Steffie Lian Chua! Kahit butas-butas ang isuot mo ay mapapansin at mapapansin ka ateng.”

Hayyy. That’s the thing I hate the most. They know me because I’m a Chua... but I know someday, makikilala din nila ako bilang isa sa pinakatanyag na model.

Alam kong nandyan na si Jake sa baba, sinabihan ko sila Jm na i-entertain muna siya. Kinakabahan ako.. I know showbiz, they’ll say what they’re thinking regardless of what you say. Sigurado akong bukas na bukas ay nasa tabloid na ang pagsasama namin ngayon ni Jake.

At yun ang kinagagalit ni Bryan.. he wants me just for himself as he said.

Ako din naman, gusto ko ay sakin lang siya. Walang iba, walang loveteam, walang malapit na babae.. Pero the world is not revolving just around us. There will always be other people that will surround us. We can’t just chain ourselves, hindi naman pwede na ikulong ko siya sakin, at ikulong niya ako sa kanya lang.

We’re still young.. and yes we’re inlove. But that doesn’t mean we’ll forget about the others, that doesn’t mean we will no longer enjoy lives.

Napagusapan na namin ang tungkol dyan, sabi niyang he’ll try not to be possessive. Ewan ko lang kung gusto ko ba yun o hindi.

I step down the stairs, now I’m ready. After the red carpet, I’ll tell Jake the truth. After the last step ay tumingin ako sa tatlo na parang namatanda sa kinatatayuan nila.. hindi pa sila kukurap kung hndi ako kakaway.

“W-Wow Lian! Y-You look stunning.” I wanna laugh as Jake’s voice stuttered but I think I can’t now.. not now that I’m aware I will hurt him later..

Mabilis na uminit ang pisngi ko. Nakita ko ang dalawang magpinsan na may mapanuring mata. “T-Thanks, Jake. You look handsome as always.” then I smiled. Inabot nya sakin ang kamay niya para alalayan ako, I think twice before grabbing it.

Pero kinuha ko din.. If this will be the last night he’ll be around, I might as well enjoy it while it last.. Naiisip ko palang na mawawalan ako ng isang kaibigang katulad niya ay naiiyak na ako.

I love Jake..

I’m sure kung wala si Bryan, ay hindi ako mahihirapang matutunan siyang mahalin. Goodness! He loved me for almost three years!

Ngumiti siya sakin at nagulat ako sa reaksyon ng puso ko..

Bakit ka tumitibok ng ganito? Hindi naman si Bryan ang kaharap mo...

I gulp.. I look at his face, baka ngayon ko nalang siya ulit matitigan ng ganito katagal. Baka lumayo na siya.. Nakaramdam ako ng luha na malapit ng tumulo sa mata ko, biglang napawi ang ngiti sa mukha niya napalitan ito ng pagaalala.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon