Chapter 50- All of Me

874 26 14
                                    

Sorry sa matagal na hindi paguupdate. Naging busy kasi ako eh. Huhuhuhu. Pabawi ko 'to sainyo. :) Votes and comment naman dyan oh! Sana naman mashare nyo 'to sa mga friends nyo. Thankyou!!!

Godbless mga labs! -Ainelabs

Sorry sa mga spelling ang grammatical errors! Hindi ko na 'to chineck kasi may quiz pa ako bukas, inuna ko lang talaga 'to.

*****************************************************

STEFF’S POV

Nakayakap pa din si Jake sakin. Ni hindi ko maalis ang kamay nya sa sobrang higpit ng yakap niya, at hindi ko din naman siya maitulak dahil alam ko na sa oras na ‘to, pamilyar ako sa nararamdaman nya..

Sakit. Pagkabigo... lahat na ata.

Ganitong-ganito ang itsura ko ng tanggihan ni Bryan ang nararamdaman ko, nung una at nung pangalawang pagkakataon..

Nung nakita ko silang naghalikan sa rooftop..

At nasasaktan akong makita na ganito si Jake dahil sakin.. He doesn’t deserve any of this.

Sa mga panahon na nakasama ko si Jake ay wala siyang ibang pinakita kundi ang pagiging mabait, palabiro, maalagain at pagmamahal niya.. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi nahulog sa isang katulad niya..

Maybe because we just really can’t choose the one we want to love. It’s unvoluntary feeling.. Minsan mabibigla ka nalang kapag narealize mo na palang mahal mo ang isang tao na yun..

Just like what happened between me and Bryan. I woke up one day realizing that his presence makes my heart skip a beat, sends butterflies in my tummy and always complete everyday.

Without being notified.. Without a warning.. I fell inlove with him.

Naririnig ko ang mumunting hikbi ni Jake. Ang awkward at nakakangalay na ng posisyon namin pero hindi ko magawang magreklamo..

I was shock when someone suddenly tweak me with full force. Alam ko na kung sino ‘to sa pabango palang!

Halos mapadikit ako ng bongga sa matitipuno nyang dibdib, ang tigassss. Erm! Steffie! Ano ba?!!!

“Sorry sushi pero time’s up. Babawiin ko na siya.” halos masapak ko ang mga yummy errmm I mean ang matigas nyang dibdib dahil sa sinabi niya. At anong kalokohan ‘to?  Bakit siya nandito?

Nakita ko kung paano umiling at ngumisi ng bahagya si Jake. “Babawiin? As if naman ipinagkatiwala mo talaga siya sakin! E sa bahay palang nakasunod ka na.”

Nagulat ako sa sinabi ni Jake.. A-Anong sa bahay palang?! Ibig sabihin kanina nya pa kaming sinusundan!??

“Psh. Syempre no, wala akong tiwala sayo..” mas lalo pang hinigpitan ni Bryan ang paghawak sakin, para tuloy yakap yakap nya na ako.

Hindi ko maintindihan kung ano ba dapat kong maramdaman.. kikiligin o mahihiya? Kaya ba mabilis ang tibok ng puso ko kanina pa dahil alam nitong nasa malapit lang siya??

“Kung ako sayo Lian, iwanan mo na yan ngayon palang. Masyadong possesive.” sabi ni Jake sa tonong walang pakealam.

Pero dahil pinaglihi ata ‘tong si Bryan sa mga angry birds, umakto agad itong susugudin si Jake, mabuti nalang at napigilan ko siya.

“Fvck off sushi! Umalis ka na nga!” halos mabingi ako sa sigaw ni Bryan. Ano ba naman ‘tong taong ‘to? Daig pa nakakaen ng megaphone.

“Bryiee.” pagtawag ko ng mahina sa kanya at hinaplos ko yung braso niya. Effective ‘to sa pagpapakalma sa kanya.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon