Chapter 30.2- Short update

1.1K 18 2
                                    

*PAK!*

“Tito!” rinig kong halos sabay-sabay na sigaw nila Jm, Cecille at Jake. Si Mommy naman na patuloy sa pag-iyak ay napatakbo kay Daddy para daluhan ito.

Umalingawngaw ang sampal na binitawan ni Dad sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, yun bang sampal niya o yung fact na ngayon nya lang ako napagbuhatan ng kamay.

“You’re such a disgrace in our family! Saan kami nagkulang ha Steffie Lian!? Ibinigay namin sayo lahat ng pangangailangan mo! Kinunsinti namin lahat ng kapritsuhan mo! Ni hindi kita nagawang pagalitan ng sumaway ka sa cheering competition na yun kahit alam mong delikado! Tapos ngayon malalaman ko na ang nagiisa kong anak na walang akong ginawa kundi ibigay ang lahat ay handang magpakamatay para sa isang lalaki lamang!!” sigaw ni Dad.

Nakakatakot siya ngayon. Hindi ito si Daddy. Hindi ito ang daddy ko.

Dun ko lang namalayan na nahihilam na pala ako sa sarili kong luha. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit sakin sa likuran, hindi ko lang alam kung sino sa tatlo yun.

“Sumagot ka! Damn it Steffie! Pinapahiya mo ba talaga ang pangalan ng pamilya natin!? Wala ka na ba talagang magagawang tama?!!!” tumatagos sakin lahat ng sinasabi ni Daddy. Masyado na ba akong pabigat sa kanila.

Ano bang nagawa ko? Ano bang kasalanan ko? Hindi ko maintindihan.. Sinong magpapakamatay? Ako?

“Dad. W-wala po akong alam sa sinasabi nyo.” sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

“Sinungaling!! Sinungaling ka! Hindi ka namin pinalaki na ganyan! Simula ngayon wag na wag ka ng lalapit sa Bryan na yun! Wala kang ibang pupuntahan kung hindi dito lang sa bahay at eskwelahan! Hindi ko kukunin ang cellphone mo pero alam mong naka-monitor lahat ng yun Steffie. Umalis ka na sa harapan ko!” hindi ako binibigyan ng chance ni Daddy mag explain.

“D-dad. Listen to me first..”

“Shut up and just get out in front of me!!” galit na galit na sigaw niya.

Dad... Ano ba talagang problema? :’(

Nahihirapan na akong huminga. Sa sobrang pag iyak ay ngayon pa ata ako aatakihin ng asthma. “Steffie! Umalis ka muna sa harap ng Daddy mo.. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.” umiiyak na sabi ni Mommy. Mas gusto kong humagulgol sa naririnig kong malamig na boses ni Mommy.

Pinilit akong hilahin nila Cecille paalis sa living room at inakay papuntang garden. Hinang-hina na ako. Ano bang nangyayari?

“Lian, hey. Look at me. I’m so sorry.” sabi ni Jake at bigla akong niyakap na mas nakapagpaiyak sakin. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Cecille at Jm na naluluha na din.

“W-What’s happening? Hindi ko maintindihan guys. Anong nangyayari?” pinilit kong magsalita kahit kinakapos na ako ng hininga. Gusto kong maintindihan lahat.. Gusto kong maintindihan si Dad, kung bakit niya nagawa to.

Hinawakan ni Jake ang pisngi ko at napapitlag ako sa sakit. Sobrang lakas ng sampal ni Dad kanina. I heard Jake cussed.

“This is all Laine’s fault.” mariing sabi ni Jm. “This is her fault. That bitch!! Wag lang siyang magpakita sakin kasi kakalbuhin ko talaga siya. Aalisin ko lahat ng buhok sa katawan niya! Sa ulo, sa kilikili, sa kilay, pilikmata at kahit dun sa baba! Shit siya!”

“W-What do you mean?”

May inabot na newspaper sakin si Cecille at nagulat ako sa nakita kong headline.

MISS STEFFIE LIAN CHUA, THE HEIRESS OF CHUA INC. SUICIDAL TENDENCIES written by Astrid Clavio

What the hell!? Kelan pa ako naging emo!?!! Ni hindi nga sumaglit sa isip ko ang isipin na mamatay ako tapos ako ang may suicidal tendencies!????

Punyeta! Nakakaloko!

Nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ko ang page kung nasaan ang article na yun. Ang bilis na ng kabog ng dibdib ko..

Please let this be not the end. I keep mumbling to myself. Please sana hindi totoong may kinalaman si Bryan dito tulad ng sinabi ni Daddy. Please please please.

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko habang binabasa ko ang article. “Sabi ko na nga ba ay may hindi magandang pinaplano yang Bryan at Melalaine na yan e. Damn! That asshole!” Jake said through gritted teeth.

Unti unti na akong nanghina at tuluyan ng napaupo sa patio. “Shit! Lian!! Jm, kunin mo yung inhaler niya!” pinipilit akong itayo ni Jake pero pakiramdam ko ay lambot na lambot talaga ako.

Ang sakit.. Ang sakit sakit! Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bigla nalang naging ganoon ka-sweet sakin si Bryan. Plinano nila to ni Lian.. Plinano nilang siraan ako sa maraming tao. Planado lahat. Maging ang paglabas ng article ng nasa camping ako.

Kasama sa plano nila ang paniwalain akong may nararamdaman na sakin si Bryan. Kasama sa plano nila ang pagmukhain akong tanga..

Tangina! Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit nyo ba ako sinisira ng ganito? Bakit nyo ba ako sinasaktan?

“Sht! Lian. Nanlalamig na ang kamay mo. Lian! Listen to me. Ayusin mo ang paghinga mo!” sigaw ni Jake. Pero hindi na ata ito naaabsorb ng utak ko.

Hirap na hirap na akong huminga... Dumating si Jm na dala ang inhaler ko. Buti nalang naagapan agad. Hays.

Hindi pa din maalis sa isip ko ang pinaggagawa nila. “Steff, stop crying na. Mas lalo kang mahihirapan huminga nyan e.” concern na sabi ni Cecille..

Sa ngayon ay wala ako sa huwisyo para makinig sa sasabihin ng iba.

Ilang beses ng nabasag ang puso ko pero ito yung pinakamasakit. Pakiramdam ko tuloy ay imposible ng mabuo ulit ito.

Bryan, bakit mo ba ako kailangang basagin ng paulit-ulit? 

Be MineМесто, где живут истории. Откройте их для себя