Chapter 45- Seafoods

940 20 13
                                    

Salamat kay @MaChriMASA na walang sawang pinapagaan ang loob ko, laging nagiiwan ng message sa inbox at facebook ko. Maraming maraming salamat talaga!

Salamat din sa mga nagvo-vote, nagccomment at nagffollow sakin! Sobrang thankyou mga labs! Salamat din sa mga taong to: Godbless you all! :*

@callmecrazyyeah

@bordallocarla

@Ghelhar7

@ilove202909

@choidongneul19

@gapuzan

@GabrielaAngeles

@CharismaticMinhoOppa

@HajimeSetokuchi

@mauricekale

@kpopfangirl18

******

CECILLE’S POV

Kakatapos lang ng nakakamatay neurons na long quiz, nagpaiwan yung apat sa loob ng classroom dahil daw hindi pa sila nakaka-recover at tuyong-tuyo pa daw ang utak nila.

Andito ako ngayon at naglalakad papuntang caf. Tsk tsk. Gutom na gutom na ako..

Ano kayang masarap kainin? Hmmm

Nasa malalim akong pagiisp kung anong mas masarap kainin sa lasagna at spaghetti ng biglang may bumangga sakin..

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa... at ang lalaking katabi niya ay mukha talagang paa! --,

Pesteng Alvin Harris! Sobrang liit na ba ng mundo ngayon at pati mukhang hitong girlfriend nya ay kailangan ko pang makabangga?

“Ano ba yan! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!” mataray na pasaring nito habang nagpapagpag.

Anong akala niya sakin!? Madumi?! Kung makapagpag siya ah! Ang sarap ibalibag!

Umuusok na talaga ang ilong ko ng bongga! Bigla ko tuloy pinangarap pagbuhulin sila ni Melalaine Lim.

“Hoy teh! Wag kang mag-inarte! Mukha kang tae!” oh diba? Magka-rhyme! Para lang akong nakikipag-flip top!

Nanlaki ang mga mata nito na halatang hindi inaasahan ang sinabi ko? Bakit? Hindi pa ba sya tumitingin sa salamin? Kaawa-awang nilalang. Totoo naman e.

Sabi ng nanay ko lagi daw akong magsabi ng totoo at wag magsinungaling.. yan! Nagsasabi na ako ng totoo.

Sinulyapan ko naman ang walking human aids carrier na nasa tabi niya at sobrang gwapo este sobrang gago.. Nasasapian na ata ako at kung anu-ano ng nasasabi ko. -_- Namumula na siya kakapigil ng tawa.. Hinay!

Mautot ka sana. -_-

Itinulak ako ng babaeng hito kaya napaatras ako. “Jean, ano ba!?” sita dito ni Alvin.

Dapat nga ay natutuw siya dahil binu-bully ako ng jowa niya diba? Dinuro-duro ako ni hito. “Sino ka bang panget ka ha?”

“HA? Ohmy! Hindo mo kilala ang sarili mo?” pang-aasar ko. Panget daw e hindi naman ako yun. Kung panget ako.. ano pa siya?

Malignong impaktang mukhang bakla?

Umakla naman ito sa braso ni Alvin ng naka-pout. Eww. Nakakasuka! Buti nalang hindi pa ako nakakakaen. “Love, sino ba ‘tong mukhang tomboy na ‘to? Like duh she doesn’t belong here ‘coz her ugali is so pangtambay.”

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon