Chapter 11- Move on, Steff

1.3K 23 3
                                    

STEFF’S POV

After ng klase namin na wala naman ako halos naintindihan. Dumiretso kami sa canteen at halata namang pinagtitinginan pa din ako.

Sabagay.. pagkatapos ng nangyari sa amin ng heartthrob ng campus (note the sarcastic tone) e agaw pansin din naman tong saklay ko. Panira beauty. Shet na malagket na nasa pwet lang. -_-

Wag na kayong magtaka sa mga new found words ko, naririnig ko lang ang lahat ng yan kay baklang Jm. At kasamaang palad unti’unti ko nang na-a’adopt. =_=

“Cecille, asan nga pala si Rence?” nawala sa isip ko na hinahanap ko nga pala ang lalaking yun.

“Tinawagan ata ng manager nya e. Alam mo na, buhay artista. Susundan ka nga dapat nya e. Buti napigilan namin, sinabi ko nalang na gusto mong mag-isa.”

“Ah. Ganun ba? Malamang may shooting na naman yun. Daming upcoming movies e.” bakit kaya hindi ko i-try na pumasok sa showbiz? -_- Madami ng nag-alok sa akin noon ngunit lagi kong tinatanggihan.. Pero sa nakikita kong pagiging galante ni Rence, parang gusto ko na din magartista. Hahaha!

“Ay teh! Syempre naman. Gwapong gwapo ang jowabells mo e! Sikat na sikat si fafa Rence.” Singit naman ni Jm habang busy sa pagkuha ng pagkain..

“Hoy! Anong jowa ka dyan! Magkaibigan nga lang kami, Jm.. Hmm. Kuha mo nga akong vegetable salad..” nauuna kasi siya kaya nagpaabot na ako..

“Alam mo todo deny ka pa teh! Kapag ako na ang nagustuhan ni fafa Rence don’t blame me ha?”

“Oo na, bakla. Psh..” nilingon ko naman si Ryzza na tahimik. “Uyy, Ryzza, bakit ka tahimik?”

“Nahihiya lang ako sa inyo. Ang dami kasing nakatingin, naririnig ko yung iba na nagbubulungan. Sinasabi nila na kaya ko kayo kasama dahil ginagamit ko lang kayo para mapansin.” Halatang malungkot siya, bigla akong naawa sa kanya..

Ilap sa akin ang mga tao for the past two years dahil nga sa bitchy attitude ko, pero Laine was always there kaya hindi ko kailanman naramdaman na magisa ako, pati na rin ang team ko na kahit kailan ay hindi ako itinuring na iba. Pero, si Ryzza, I never saw her with anyone.

Parang lagi nalang siyang iniiwasan at dinaig pa ang may nakakahawang sakit.

Lumapit si Jm sa kanya at inakbayan siya..

“Ateng, don’t be sad na.. Wit mo nalang pansinin ang mga ugly faces na yan.” Napangiti naman si Ryzza sa tinuran ni Jm.

I guess I need to do something..

Habang hawak ng tray na may water at poreber pagkain ko (vegetable salad) umakyat ako sa isang mesa na bakante. I heard some other students gasped, yung iba naman ay nagsimula ng magsibulungan. May ibang natatawa dahil hirap na hirap akong umakyat dahil sa saklay ko. Pesteng saklay! -_-

“FROM NOW ON, LAHAT NG GUSTONG MAKIPAGKAIBIGAN SA AKIN AY WAG NG MAHIHIYANG LUMAPIT, I WILL BE GLAD KUNG LAHAT KAYO AY MAGIGING KAIBIGAN KO NA.. I AM STEFFIE LIAN CHUA, WANTS TO SAY SORRY SA MGA STUDENTS NA NATARAYAN AT NAPAGSALITAAN KO NG MASASAKIT NA SALITA NOON. THE BITCHY SIDE OF ME IS ALREADY GONE GUYS.” Lahat ng estudyante at maski mga nagtitinda ay tahimik at nakatuon ang tingin sakin. “AND I AM PROUD TO TELL YOU, THAT THIS LADY DOWN THERE *and I point out Ryzza* MISS RYZZA BERNAL IS OFFICIALLY ONE OF MY BESTFRIENDS NOW. PLEASE BE FRIEND WITH US! THANKYOU!”

Nagulat ako nung biglang nagpalakpakan yung mga estudyante at yung iba ay lumapit sakin.. Hindi ako agad makababa dahil nahihirapan ako at lahat sila ay nakapalibot sakin..

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito from my pocket at nakita kong may one message galing kay Rence..

Rence: R u okay? Kmaen knb? Pls text me dat ur fine.. :(

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon