Chapter 37- Short update (DEAL)

1K 28 6
                                    

Salamat sa mga patuloy na bumuboto especially @MinSuldiana. :) Godbless.

*******

“Tss. Madaya ka, ayaw mo ipakita.” Pagmamaktol sakin ni Jm. E kasi paano ba naman pagkabasa ko nung note na nasa bouquet ay ginasumot ko na agad.. Nakakahiya kaya kung makita nila. Bad shot pa sa kanila si Harris at nasisigurado akong hindi nila patatahimikin ang kaluluwa ko. =_=

“Jm, wala nga lang yun.”

“Kung wala lang bakit ayaw mo ipakita?” umiismid na sabi niya. Mabuti nalang ay dumating na si Mr. Mendoza, wala na akong masabi pa kay Jm. Matutuyuan ako ng utak sa kanya.

Hindi ko nalang pinapansin ang mga nakakamatay na titig sakin ng mga tao sa paligid. Lalo na ng grupo ng mga OKOY.. Kung tinatanong nyo kung bakit OKOY. Isipin nyo kasi wala akong balak sabihin. Nyahahahaha.

Dehjoke. Kasi hipon yung leader nila, at dahil madami sila.. Okoy ang tawag sa kanila. Bwahahahaha. Mean ko. *_*

Hindi na nakatabi si Bryan kay Laine, sila Alvin na ang katabi niya ngayon.. At nasa may harapan lang namin sila. Hulaan nyo kung anong ginagawa ng demonyo..

Nagsselfie ang mokong… at dahil nasa harapan ko siya ay nakikita kong nakukuhanan din ako sa pagpicture nya. Kaya eto todo takip ako ng mukha dahil ayaw makipagpalit ng mga katabi ko. +_+

Isa pang talaga ay sisipain ko na ‘tong nasa harapan ko.

“Goodmorning class. I have an announcement to make..” panimula ni Mr. Mendoza. Sana naman ay hindi ito tungkol sa pagiging rank 1 ko. “It’s about the students ranking.” Potek. Syempre simula na naman ang mga bubuyog sa pagrreact at pagbubulungan.

“What is it, Mr. Mendoza? Nakuha ko na ba ang rank number 1?” I can sense his smirk even if I can’t see him.. Tss. As if, Bryan!

“Hindi pa naman talaga kami naga-announce ngayon dahil hindi pa tayo nageexam ng first grading pero base sa participation, quizzes and other activities.. Yes. Nakuha mo nga ang number 1 place Mr. Harris.” Nagulat ako dito, alam kong maging si Bryan din dahil bigla ako nitong nilingon na parang naguguluhan..

Teka nga.. Diba dapat masaya siya?!

“Lian, what happened?” tanong ni Jake na katabi ko. Umiling lang ako.. I don’t know… Umiinit ang pisngi ko. Sa pagkapahiya? Siguro.

Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko? Napabalita na ngang may suicidal tendencies ako tapos bumaba pa ang grades ko. WTF! Siguro nga ay isa akong disgrace sa mga Chua.. papatayin ako ng mga pinsan ko </3

“A-Anong.. P-Panong nangyari yun, Mr. Mendoza? Anong grade ni Miss Chua?” hindi ko maaninag ang saya sa tono ng boses ni Bryan. Oh, kanina mukhang masaya ka tapos ngayong sinabi na sayong rank 1 ka na para ka namang naiirita. Tsk tsk tsk. Confirmed! Bipolar nga itong si Bryan!

“Hindi naman talaga bumaba si Miss Chua, pero tie ang grade nyo sa ngayon. Madalas syang absent at madaming activities ang hindi niya nagagawa kaya sabi ng ilang teachers nyo ay bumaba ang grades niya. Kung sino ang magiging rank 1 sa inyo ay depende na sa results ng exams nyo for first grading.”

Nakahinga naman ako ng maluwag ng narinig ko ang paliwanag ni Sir Mendz. Atleast meron pa akong pag-asa. Gagalingan ko nalang. Sigurado naman akong magiging madalas ang pagkawala ni Bryan dahil mayroon syang shinoshoot na upcoming movie at sa Thailand daw kukunan ang ilang parte nito.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon