Chapter 42- Bully

960 24 11
                                    

Sorry sa spelling and grammatical errors!

Enjoyyyy labs! :)

*******************************

Anong oras na kaming nakatulog kagabi.. kanina pala. Madaling araw na kasi yun. =_= Antok na antok pa ako. Grabe..

Naging masaya ang kwentuhan namin kagabi habang wala silang ibang ginawa kundi ang kumain ng popcorn at ako naman ay namamapak ng pepero.

At para sabihin ko sa inyo.. naaalala nyo ba yung paperbag na binigay sakin ni Bryan nung naka-mascot siya.. ang laman po nun ay sandamakmak na pepero.. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na patay na patay ako dun pero nakakatuwang alam nya..

Naiintindihan na nila ako at sobrang saya ko ng marinig ko na susuportahan nila ako kay Bryan. Sabi nila malakas daw ang kutob nila na ‘meant to be’ kami pero hindi ko naman masyado inaasahan. Mahirap ng masaktan.

Ang bilin lang nila sakin ay pahirapan ko muna daw ito ng husto bago ko sabihin na mahal ko pa siya. Taray tarayan ko daw sabi ni Jm, gagana daw yun para habol-habulin nya ako.. Haha.

Sa totoo lang hindi ko naman kailangan na maghabol siya sakin.. kasi handa naman akong maghabol sa kanya, sa oras na mapatunayan kong mahal niya talaga ako.

‘Wow! Ang ganda naman ng kasama nila Miss Chua! Sino yan?’

‘Transferee siguro yan. Grabe ang ganda nya.’

‘Sexy pare! Witwew!’

Napangiti ako sa mga narinig. Ang ganda nga ni Ryzza, nakasimpleng dress lang siya ngayon at wedge. Pero litaw na litaw ang ganda niya. Naka-plum dress lang din ako na fit sa katawan at wedge, pati si Cecille ay nakadress din.. kaya alam na! Inggit na inggit ang lola nyong si Jm! Hohoho!

“Kainis! Pasalamat ka sakin Betty! Kundi dahil sakin hindi ka magmumukhang tao!” panimula ni Jm nang naglalakad na kami sa corridor. Lahat sila ay nagtatanong kung sino ang kasama namin pero ngumingiti lang kami.

It’s for them to find out.

Nang makarating ako sa desk ko ay may nakita na naman akong bouquet. Ano na namang pakulo ito? =_=

Goodmorning baby. I missed waking up beside you, miss your morning face.. I miss your bedroom voice. And lastly, I miss you.. I love you. Have a great day!

Quotang-quota na po siya sa pagpapakilig sakin.. namiss ko din naman matulog ng katabi siya tulad ng nasa camp kami.. Namimiss ko na din siya.

Pero balak nya ba akong magkaroon ng flower shop? Hindi ba pwedeng iba naman? Nabubulok kasi itong mga ‘to e gusto ko pa naman itago.. remembrance ba. Pero okay lang.. KILIG PA DIN *o*

“UYYYYYYYYYYYYYYY.” asar ng tatlo na nakikibasa pala sa likod ko. Magaling!

Luminga-linga ako para hanapin siya, pero wala naman siya sa loob o labas ng room. May tatlo lang tao dito sa loob. Pati sila Alvin ay wala pa.

“Ella, asan si B-Bryan?” tanong ko sa isang kaklase ko na hindi ko man close ay mukhang mabait naman.

“Ah lumabas kasama sila Alvin, magbbreakfast daw muna. Sabi niya pagdating mo daw sabihin ko na mahal na mahal ka daw niya.”

I’m sure I look flustered right now. The nerve of that guy! Akala ko pa naman ay naiintindihan nya na gusto kong gawin munang sikreto ang lahat. Nababaliw na talaga siya!

“S-Salamat.”

Lalo akong inasar ng tatlo. Hindi nila ako tinigilan, grabe. Ang init-init na ng pisngi ko.. hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon